MAGULO ang buong silid at nagkalat sa sahig ang ilang basag na mga kagamitan, ito ang bumungad kay Hilda nang makapasok siya sa kuwarto ni Maggie. Agad na hinanap ng mga mata niya ang dalaga. Nang hindi ito makita sa buong kuwarto, agad na natuon sa nakabukas na pintuan ng banyo ang paningin niya. Pumasok siya sa loob at naabutan na umiiyak ang babae sa loob ng bathtub. "Get up! Kailangan mong ayusin ang lahat ng ito!" Sinubukan niyang patayuin si Maggie subalit mariin nitong binawi ang kamay. Nanginginig sa takot ang dalaga. Namimilog ang mga mata at gulong-g**o ang make up nito, ang buhok at maging ang suot na wedding dress. "Paano nangyari iyon? Paano, Hilda! Patay na siya! Dapat patay na siya!" sumigaw ito habang nakasabunot ang dalawang kamay sa mga buhok. Napabuga siya ng hangin

