NAKAUPO si Patti si luxury sofa sa may receiving area. Nakatutok ang paningin niya sa coffee table sa kaniyang harap kung saan naroon ang kape na hinanda para sa kaniya ni Lucia. Lumingon siya sa kaniyang paligid. Walang ibang tao at nakabibinging katahimikan ang namamayani. Ang tanging kasama niya lang ay ang apat na CCTV na nakadikit sa pader ng apat na sulok ng malawak na receiving area. Dalawang araw nang hindi umuuwi si Andriano. Dalawang araw na rin siyang halos walang tulog sa paghihintay rito. Suminghot siya bago mabilis na pinahid ang isang luhang naglandas sa kaniyang pisngi. Kahapon habang naliligo, nahintakutan siya nang makita ang pag-anod ng dugo mula sa bukana niya. Takot na takot siya sa naranasan pero wala siyang ibang tao na malapitan at makausap. Gusto niyang tawagan