Mula kay Andriano, lumingon siya sa pinto nang maisip si Patti. Napangiti siya at mabilis na tumugon, "Si Patti po, sir?" Nagsalubong ang dalawang kilay nito at muling napahawak sa ulo. "No." Natigilan naman siya sa nakuhang sagot. "S-sinong babae ang tinutukoy mo?" Matagal na natahimik si Andriano, para bang iniisip nito ang mga susunod na sasabihin. Makalipas ang ilang sandali, may inilabas itong litrato mula sa gilid ng kamang kinahihigaan nito. "Sino iyang babae sa larawan?" Umawang ang mga labi niya nang makita ang inaabot nitong picture. Isa ang litratong iyon sa mga prenup photos nina Andriano at Maggie noon. "Siya ba si Maggie?" Gulat na muli siyang nag-angat ng paningin sa lalaki. Kung nakalimutan nito si Patti, dapat ay wala rin itong alaala tungkol kay Maggie. Ibubuka pa

