MAHIGPIT na yakap ang pinagsaluhan nina Miyong at Patti matapos niyang makapaghanda para sa pag-alis nila ng asawang si Andriano. Maluha-luha naman si Miyong habang pinagmamasdan siya. "O, basta ang mga bilin ko, ha? Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Kumain ka nang limang beses sa isang araw. Matakaw ka pa naman." Muling umagos ang masaganang luha sa magkabila nitong pisngi habang sinasabi ang mga iyon. At dahil likas na mababaw ang luha, makita lamang na umiiyak ang ama ay hindi na rin napigilan ni Patti ang muling umiyak. "Itay naman, malaki na ako. Hindi mo na kailangan mag-alala sa akin. May kasama pang insulto, ah?" "Paano ako hindi mag-aalala? Simula nang isilang ka ng inay mo, hindi ka na nawalay sa akin, bata ka! Ngayon lang tayo magkakalayo!" Muli siyang niyakap nito nang