Napatigil siya nang marinig iyon. Tanda pa niya ang sinabi ni Maui noong isang gabi, na kapalit ng pagtulong ni Don Isidro kay Andriano ay ang pagpapakasal nito sa anak ng don. Nag-aalala niyang tinitigan ang mukha ng asawa niya, subalit kampante naman itong ngumiti at nagpaalam. "I'll be right back, okay?" Dinampian siya nito ng halik sa pisngi bago tumayo. Inayos pa nito ang bow tie ng suot nitong white tuxedo bago marahan na humakbang palayo. Sinundan niya ito ng tingin, pero agad na nabaling sa kaibigang si Mae-Mae ang paningin niya nang makita itong papalapit sa kinaroroonan niya. Malapad ang ngiti sa mga labi. "Patti!" Napalunok siya matapos ngumiti at tumayo. Ewan ba niya, pero pakiramdam niya, inagawan niya ng mapapangasawa ang kaibigan. Ito dapat ang pinakasalan ni Andriano a