MULA sa pagkakaupo sa harap ng vanity mirror, malalim ang paghingang nag-angat ng mukha si Patti at tinitigan ang sariling repleksiyon. "You look stunning, dear! Isang bagay na lang ang kulang." Nilingon niya ang baklang nag-ayos sa kaniya para sa kaniyang kasal. "Kulang? A-ano naman iyon?" "Your smile." Malapad itong ngumiti bago bumaling sa repleksiyon niya. "The most important thing a woman should wear, specially on her wedding day, is her smile. Kaya lang, kanina ko pa napapansin, nawawala ang ngiti mo." Huminga siya nang malalim nang marinig ang mga bagay na sinabi nito. Bakit nga ba hindi niya kayang ngumiti? Araw ng kasal niya. Hindi naman siya pinilit, kusa niyang tinanggap ang proposal ni Andriano, kaya bakit ganito? Mas lamang ang takot at kaba kaysa sa kasiyahan na dapat na