MARIRINIG sa buong paligid ang malamyos na tugtog ng isang binayarang banda para mangharana sa kaniya. Malayang nakikita ni Patti ang mga ito mula sa pangalawang palapag ng kanilang bahay.
Nasa labas ang banda at inaawit ang kantang Paniwalaan Mo. Kasama nilang nakatayo at nakatingala sa kaniya ang binatang si Andriano na masugid na umakyat ng ligaw sa kaniya nang mahigit isang linggo na.
"Ibang klase talaga itong batang ito. Tinanggihan mo na noong unang gabing manligaw sa iyo, pero hayan at hindi pa rin sumusuko." Malapad na ngumiti si Miyong habang nakatingin sa lalaki.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Noong unang beses na umakyat ng ligaw si Andriano, prinangka niya itong wala siyang balak makipagrelasiyon dito, at pagkatapos ay nagkulong na lang siya sa silid niya. Hunger strikes uli ang ginawa niya. Pero hindi ito sumuko. Nagpatuloy ito sa panliligaw. Tuloy, tumagal din ang hunger strike niya.
"Bakit ba ayaw mong bigyan ng pagkakataon si Andriano, anak? Ramdam kong tapat ang nararamdaman niya sa iyo. At saka ikaw, halata naman na may gusto ka rin sa nag-iisang anak ni Sir Mariano. Pakipot ka lang, e."
"Tay naman! Panira ka talaga! Ano'ng gusto mo? Maging easy-to-get ako?"
"Ay, hindi naman, anak."
Nakagat niya ang ibabang labi sa inis. Tama ang itay niya sa feelings na nararamdaman niya para sa binata, pero ang feelings ni Andriano para sa kaniya? Hindi niya siguro.
"Alam mo ba, anak? Kalat na sa buong lugar natin ang panliligaw ni Andriano sa iyo! Nakikita mo iyang mga iyan?" Itinuro nito ang mga mimosa nilang kapitbahay. "Alam mo bang umaasa rin silang magkatuluyan kayo? Aba! Araw-araw nakiki-update sa akin iyang mga iyan!"
Hindi niya mapigilan ang hindi makaramdam ng pinaghalong kilig at kaba matapos pasadahan ng tingin ang kalsada kung nasaan ang mga kapitbahay nilang nakikiusiyoso sa kanila.
Nilingon niya ang ama at pilit na nginitian. "Gusto ko pong makausap si Andriano, `tay."
Sa sinabi niyang iyon ay nagliwanag ang buong mukha ni Miyong. Mabilis itong tumango bago nagmamadaling bumaba ng hagdan.
Mula sa pawid na bintana, lumapit siya sa mahabang sofa na nakaharap sa katamtaman ang laking telebisiyon at naupo roon. Ilang minuto lang ang hinintay niya bago narinig ang mga yabag sa hagdan.
Bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ni Andriano. Dala nito sa isang kamay ang bungkos ng mga bulaklak.
"Patti."
Simula nang manligaw sa kaniya ang lalaki, hindi na nawalan ng mga sariwang bulaklak, prutas at iba't ibang pagkain sa kanilang bahay. Tila fiesta nga sa kanila araw-araw.
Sinenyas niya ang armchair sa kaliwa niya bago nilapag ang bulaklak na bigay nito sa ibabaw ng coffee table na gawa sa kawayan.
"Are you going to turn me down again?" mahina nitong tanong na ikinatigil niya.
Nagbuga siya ng hangin bago pilit na ngumiti. "May gusto akong itanong sa iyo. Magdedesisiyon ako pagkatapos mong ibigay ang sagot mo."
Nakangiti itong tumango. Kumakabog nang malakas ang dibdib niya. Maging siya ay kinakabahan sa makukuhang sagot.
Minsan na niyang pinangarap ang mapakasalan ito noon, pero iba na ang panahon ngayon. Ayaw niyang makipagrelasiyon sa taong wala naman talagang nararamdaman para sa kaniya.
"Bakit? Bakit mo ako nagustuhan?"
Matagal siyang tinitigan ni Andriano. Hindi niya matukoy kung anong emosiyon ang nakikita sa mukha nito.
"Alam mo, kahit na ang tingin ng mga tao sa amin ay easy kami, dahil mataba nga kami, para sa iba bawal na sa amin ang maging choosy, pero hindi naman talaga ganoon iyon. Kahit para sa kanila, hindi kami puwedeng mag-inarte, may mga standards pa rin kami."
Tumigil siya at nagpakawala ng hangin. Tumitig siya sa kamay niyang namamawis na dahil sa kaba. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag nang tama, lalo pa't kabadong-kabado siya, pero sana makarating sa binata ang ibig niyang iparating dito.
"At ako, ayaw kong basta na lang pumasok sa relasiyon kung wala naman talagang—"
"Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa akin?"
Natigilan siya sa pagsasalita at mabilis na nag-angat ng tingin dito. Nagtatakang tinitigan niya ito sa mukha.
"Am I giving you that kind of vibe? Tingin mo, ginagawa ko ito dahil trip ko lang? Na bored ako kaya gusto kong subukan ang makipagrelasiyon sa iyo?"
"Andriano . . . "
Banayad itong ngumiti. "Hindi ko na sasagutin ang tanong mo, pero may ipapakita ako sa iyo. Saka ka magdesisiyon kung sasagutin mo ako o hindi."
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. Tumayo ito at nakangiting hinawakan ang kamay niya, bago siya hinila patungo sa kaniyang silid.
"A-anong gagawin natin dito?"
Kabado niyang tinitigan si Rafael habang sinasarado nito ang pintuan ng kaniyang kuwarto.
"A-ano ba iyang ipapakita mo?" Mariin siyang lumunok nang maisip ang tender juicy hotdog, pero agad ring iwinaglit iyon sa isipan. "Maharot ka talaga, Patricia!"
Nang harapin siya ng lalaki, may kakaibang bagay siyang napansin sa mga mata nito. Hindi niya magawang ipaliwanag pero nasisiguro niyang may kakaiba sa mga iyon.
Mula sa kaniya, iginala nito ang paningin sa buong silid, at saka lumapit sa side table ng kama kung saan nakapatong ang isang vase na naglalaman ng dried flowers.
"Oh, ano'ng gagawin mo diyan?" Mabilis niya itong nilapitan. "Mahalaga sa akin iyan. Ingatan mo."
Sa sinabi niya ay nilingon siya nito at mataman na tinitigan. "Gaano kahalaga nito sa iyo?"
Matagal niyang pinagmasdan ang dried statice flower nang dahil sa tanong ni Andriano.
Tuwing birthday niya, nakatatanggap siya ng ganoong klaseng bulaklak bilang regalo mula sa taong hindi niya kilala. Pero kahit na walang card o pangalan man lang na magsasabi kung kanino galing ito, ang bulaklak na iyon ang nagsilbing inspirasiyon niya para magpatuloy.
"B-bakit mo ba tinatanong?"
Hindi man niya kilala, nararamdaman pa rin niya ang pagmamalasakit at pagpapahalaga sa kaniya ng taong iyon sa tuwing sumasapit ang kaarawan niya.
"I have a flower farm in Baguio. Regalo iyon sa akin ni Mommy bago pa siya tuluyang nawala noong bata ako."
"Ano naman ang kinalaman no'n sa atin?" Nakagat niya ang ibabang labi nang mapagtanto ang ginamit na salita. Atin. Para naman may relasiyon sila.
Ipinakita nito sa kaniya ang hawak na vase. "This is a dried statice flower. It can also be called a sea lavender."
Ibinalik nito ang vase sa side table at saka dinukot ang cell phone sa loob ng bulsa ng black blazer na suot nito. Natigilan siya nang ipakita nito sa kaniya ang bulaklak ng statice. May tatlong kulay iyon, puti, lila at kulay rosas. Katulad ng mga natatanggap niya sa nagdaang mga kaarawan niya.
"Halos isang hectare ng farm namin ay napupuno ng tatlong kulay ng bulaklak ng sea lavender."
In-slide nito ang screen at ang sumunod na litratong bumungad sa kaniya ay ikinatigil niya. Mataman niyang pinagmasdan ang larawan nito kung saan kitang-kita si Andriano habang nakangiti at may hawak na white dried statice na binalutan ng brown paper. Sa likuran nito, makikita ang magandang tanawin ng mga statice flowers.
"Iyan iyong . . . "
"I've been sending you these flowers ever since your 10th birthday, Patti. It's a reminder of that day. Do you still remember it?"
Ilang ulit siyang kumurap habang nagbabalik-tanaw ang isip sa huling pagkikita nila ng batang Andriano noon. Napakabata pa niya kumpara dito kaya ni minsan, hindi sumagi sa isip niya na tototohanin nito ang mga biro sa kaniya.
"Ikaw ang . . . nagpapadala ng mga ito sa akin?"
Banayad itong ngumiti. "Didn't I tell you that we have a farm full of beautiful flowers?"
"Akala ko kasi, nagmamalaki ka lang noon." Napakamot siya sa batok dahil sa hiya.
Matagal na niyang pinagmamasdan mula sa malayo si Andriano noong bata pa siya. At nang unang beses na makausap niya ito, napakayabang ng lalaki at wala nang ibang ginawa kundi ipagmalaki ang flower farm niya na regalo ng mommy nito, pero sa halip na mawalan ng gana, mas lalo niya itong hinangaan at pinangarap pang mapakasalan.
"B-bakit kasi hindi ka man lang nagbigay ng card? Dapat sinabi mo na ikaw iyon!"
Mariin niyang kinagat ang ibabang labi nang maalala ang pagyayabang niya rito sa labas ng bakery tungkol sa taong nagpapadala sa kaniya ng bulaklak. Iyon pala, ito ang taong iyon!
Natatawa nitong ibinalik ang cell phone sa loob ng suot na blazer. "Now, let me ask you again. Patricia, do you wanna be my girlfriend?"
Huminga siya nang malalim bago binaling ang mukha sa ibang direksiyon. Nagpaypay siya ng mukha gamit ng isang kamay dahil sa init na nararamdaman.
"Pero matagal na iyon! At saka, nagbibiro ka lang naman noon nang sabihin mong pakakasalan mo ako."
"Is this a joke to you?" Kinuha nito ang kamay niya bago isinuot sa ring finger niya ang stem na inayos nito para magmukhang singsing.
"A-ano ito?"
Ngumiti si Andriano. "Patti, I'm going back to Manila, and I want you to come with me."
Lumuhod ito sa paanan niya bagay na biglang ikinabilog ng mga mata niya. "W-wait! What are you doing?"
"Tuparin natin ang ipinangako natin noon. Marry me, Patricia Garcia."