PASIKAT pa lang ang araw pero nasa daan na sila ni Andriano at binabagtas ang kalsada palayo sa bahay bakasiyunan nito. Buong oras ay nakatuon lang ang paningin niya sa labas ng nakabukas na bintana. Ilang ulit niyang hiniling na sana ay maging ligaw na bulaklak na lamang siya na nakikita niya sa gilid ng daan. Walang problema, walang alalahanin, malaya at payapa lang na nabubuhay. At maganda. Umayos siya ng pagkakaupo saka nilingon si Andriano. Hindi niya alam kung hanggang saan sila dadalhin ng paghihiganti niya, pero isa lang ang nasisiguro niya, ngayon na kasama niya ito at nasa tabi siya ng asawa, payapa ang puso niya. Worth it ba talaga ang paghihiganti? Dapat pa ba niyang ituloy ang lahat ng ito kung sa huli, sila-sila rin lang naman ang magkakasakitan? Gusto niyang mapakulong si

