Hindi sumagot si Andriano pero nagbuga ito ng hangin. Ngayon ay katabi na niya itong nakaupo sa sahig. Muli niyang pinalis ang mga luha at daling kinuha ang dalawa pang sulat. Ang sumunod niyang binuksan ay ang sulat sa kaniya ni Miyong. "Tay . . . " Nanginig ang mga labi niya nang mabasa ang mga unang salita sa sulat. "My cutie patootie Patti, prinsesa ko." Niyakap niya ang sulat habang nagbabalik-tanaw sa mga panahon na madalas siya nitong tawagin sa palayaw na iyon. Buong oras ay pinagmamasdan lamang siya ni Andriano. Malungkot ito, may namumuong luha rin sa gilid ng mga mata. Ang hitsura nito, tila may hinihintay sa sulat na mabasa niya. Natigilan siya bigla nang maabot ang dulong bahagi ng sulat ng ama. Ang mga luha at pangungulilang makikita sa mga mata niya kanina ay biglang na

