PUWERSAHAN ngunit maingat siyang pinababa ng hagdan ng mga lalaking nakahawak sa kaniya, hanggang sa papasukin siya ng mga ito sa loob ng kotse. Ngayon ay nakatali ang dalawa niyang kamay sa likuran kaya hindi niya magawang alisin man lang ang piring sa kaniyang mga mata. Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng kotse at naramdaman niya ang pagpasok ng kung sino sa loob. Mabilis niyang nalanghap ang malakas nitong pabango. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi, pinipigilan ang sarili na sumabog ngunit tuluyang pumutok ang labis na inis niya. "Sergio!" Marahas siyang bumuntong-hininga matapos siyang makaupo sa gilid ng malambot na kama. Ramdam niya ang pagkalas ng kung sino sa mga tali sa dalawang kamay niya. Nang tuluyan siyang makawala, padabog siyang tumayo at agad na tinanggal ang k

