Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Wala sa sariling napailing siya. "Sergio! Don't! Please! Hindi ka ganiyang klaseng tao. Hindi mo magagawa iyan!" Matalim siyang sinulyapan ng lalaki. "Watch me." "Sergio! Huwag mong dumihan ang mga kamay mo para sa paghihiganti. Please, isipin mo ang ate mo. Hindi niya gugustuhin na makita kang ganito!" "Hindi na nga niya ako nakikita! Sa tuwing titingnan niya ako sa mga mata, parang hindi na niya ako kilala! I lost my sister because of him! Dahil sa kasakiman niya! Tatapusin ko na ang lahat. Gagamitin ko si Hilda para patayin ang pinakamamahal niyang pamangkin!" "Sergio! No, please! Umalis na lang tayo. Please, sasama ako sa iyo kahit saan, basta umalis na tayo. Kalimutan na natin ang lahat. Please . . ." Sunod-sunod ang pag-agos ng luha sa magkab

