Muli siyang natigilan sa narinig. Sa pangalawang pagkakataon, nagulat na naman siya sa mga nalaman. Nakaawang ang bibig na umiling siya sa narinig. "What? Magkapatid kayo?" Itinukod ni Marina ang siko nito sa ibabaw ng balikat ni Andriano at inilapat ang pisngi sa palad, malapad ang ngiti sa mga labi. "Wala sana tayo rito ngayon kung hindi ka lang umiksena. Si Hilda lang naman ang gusto namin kalabin. Bakit mo pa kasi kailangan gawin ito?" "But how? Anak ka ni—" "Patay na ang totoong Marina, Sergio." Muling humalakhak ang dalaga. "Ako ang inampon ni Mommy Mariela para tumayong anak niya. Aren't you curious? Kung paano nalalaman ni Andriano ang tungkol sa inyo nang walang kahirap-hirap? It's because of me." "Itinuring kang anak ni Tita Mariela! Paano mo ito nagawa sa amin?" "Paano?"

