MAHABANG buntong-hininga ang pinakawalan ni Patti matapos ng ipinakitang asal ng aunt ni Andriano sa harap niya. Hindi na nito kailangan na sabihin pa, alam na agad niya na ayaw sa kaniya ng babae. Hinimas ni Andriano ang magkabila niyang balikat matapos magbuga ng hangin. "She's just tired. I'll go talk to her, okay?" Pilit siyang ngumiti rito bago tumango. "Naiintindihan ko." Nang maiwan siya ng lalaki, saka naman siya nilapitan ng apat na katulong at ang head maid ng mansiyon na si Ada. "Kilala mo na ako, Ma'am Patti, hayaan mong ipakilala kita sa apat kong katulong sa trabaho dito sa mansiyon." Binalingan nito ang mga babae at ipinakilala isa-isa. Sina Lucia, Ligaya, Luningning at Lena. Malapad siyang nginitian ng mga ito, pero napansin niya agad ang kakaibang ngiti ng dalawa sa m