NAKANGITI siyang pumasok sa kusina at lumapit sa dalawang babaeng sina Lucia at Ligaya. Agad naman siyang binati ng mga ito. Sina Luningning at Lena naman ay nasa dulong bahagi ng kusina, may ginagawa rin. "Magandang umaga sa inyo. May puwede ba akong itulong?" Akmang ibubuka ni Ligaya ang bibig para magsalita, pero naunahan ito ni Luningning. "Wala kang maitutulong dito, Ma'am Patti. Amo ka, dapat nasa kuwarto ka lang." Ngumiti nang peke ang babae bago bumalik sa paghihiwa ng mga gulay. Ang kasama naman ni Luningning na si Lena, walang imik pero napansin niya ang kakaibang titig sa kaniya. Alam niya, may halong pang-iinsulto ang bawat tingin nito. "Huwag mo silang pansinin, Ma'am Patti." Banayad na ngumiti si Ligaya habag umiiling. Sinunod niya ang sinabi ng babae. Hindi niya binigy