HAWAK ni Andriano ang kamay niya habang naglalakad sila sa loob ng mall at namimili ng bibilhin. Nang makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya kumikibo, huminto sa tapat ng jewelry shop si Andriano at pumuwesto sa kaniyang harap. Mataman siyang tinitigan nito sa mukha habang may banayad na ngiti ang mga labi. "Dinala kita rito para kahit papaano, mapasaya ka." Nakagat niya ang ibabang labi sa narinig. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito kaya bumaling na lamang siya sa paligid nila. "What's wrong, cupcake?" Maagap siyang hinawakan ng asawa sa magkabilang pisngi. Huminga siya nang malalim bago maagap na inilayo ang dalawang kamay nito. "Wala." "Wala?" ulit ng lalaki. Halatang hindi ito naniniwala. "You've been like this for three days. Hindi ka nagsasalita, hindi kumi