NILINGON ni Patti ang malaking orasan na nakasabit sa pader sa may ulohan ng kama nila. Alas-sais y medya na. Suot ang pink pajama na may print ng strawberry, lumabas siya ng silid at nagtungo sa library na matatagpuan din sa floor kung saan ang kuwarto nila. Naghanap siya ng mababasa habang hinihintay ang pagbalik ni Andriano. Maya-maya lang ay nakaupo na siya sa harap ng mahabang mesa at abala na sa pagbabasa ng librong may kinalaman sa mga Greek mythology. "Meeting lang ang pupuntahan, ayos na ayos naman masiyado," paulit-ulit niyang binubulong sa sarili. Lahat ng binabasa ay hindi pumapasok sa utak. Bawat minuto, umaangat ang paningin niya sa standing clock sa dulo ng silid para sipatin ang oras. Nami-miss niya si Andriano kahit na alam niyang babalik naman ito. Hindi rin siya mapak