TUMINGKAYAD siya upang dampian ng halik sa pisngi ang asawang si Andriano. Nasa receiving area sila ng mansiyon. Paalis na ang lalaki kasama ang driver nitong si Maui. "Uuwi ako nang maaga, okay?" Hinawakan siya nito sa likod ng ulo bago inangkin ang mga labi niya. Pinagsaluhan nila ang mainit at malalim na halik, bagay na ikinaismid ni Maui kaya mabilis itong tumalikod at lumabas na ng mansiyon. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay hinabol pa niya ng tingin ang binatang si Maui. Umiling naman si Andriano. "He's just jealous. He never got a girlfriend." Mahina itong tumawa bago tuluyang nagpaalam sa kaniya. Nang mawala sa paningin ang asawa, lumapit siya sa kaliwang hagdan at binalak na umakyat papunta sa kusina, pero napahinto siya sa ingay ng pagbukas ng elevator. Sa paglingon niya