NATIGILAN si Andriano nang makita ang babaeng nakatayo sa labas ng company building nila. Yakap nito ang sarili at tahimik na lumuluha. "Maggie?" Nag-angat ng mukha ang dalaga. Natigilan siya nang makita ang dugo sa gilid ng mga labi nito. May pasa rin ito sa pisngi. Ngayon niya lang din napansin ang magulo nitong buhok at ang magulong suot na damit. "Andriano!" Lalo itong naluha nang tumakbo papalapit sa kaniya. Natigilan siya nang mahigpit siya nitong yakapin, umiiyak ito na para bang napakalaki ng problema. Nang makaakyat sila sa opisina niya ay binigyan niya ito ng tubig na maiinom at pinaupo sa leather sofa upang mapakalma. Nanginginig ito sa takot. Yakap pa rin ang sarili nito. "Wala ang roommate kong si Katty nang makauwi ako kanina. Pahiga na ako nang lumabas si Ruben mula sa