MALAYO pa lamang ay tanaw na ni Maggie si Carol sa desk nito. Nang malapitan ang babae ay kapansin-pansin agad ang pagsimangot ng mukha nito. Pinilit niyang ngumiti matapos tingnan ang pinto ng office ni Andriano. "Nandiyan ba siya?" "Sorry pero wala si Sir Andriano." Ibinalik nito ang atensiyon sa ginagawa. "Ha? Pero lunch time pa lang, ah? May meeting ba siya sa labas? Nagdala kasi ako ng pagkain para sa kaniya." Nagbuga ng hangin si Carol, halata na nauubusan ito ng pasensiya. "It's been five days from now since he started going out to eat lunch outside the office." "Sa labas?" naibulong niya sa sarili. "Sino raw ang kasama niya?" Nagkibit ng balikat ang babae. "I don't know. Empleyado lang ako, kaya hindi ko alam. Dapat ba malaman mo ang lahat? Fake wife ka lang naman." Ilang ul

