WALANG tigil sa pagtunog ang cell phone ni Andriano bagay na ikinagising ng lalaki. Sa pagmulat niya ng mga mata ay unang bumungad sa kaniya ang mahimbing na si Patti. Napangiti siya bago tuluyang bumangon at inabot ang cell phone sa ibabaw ng side table. Hapon na noong mga sandaling iyon. Patunay roon ang kulay kahel na liwanag na nagmumula sa nakabukas na balkonahe. Sinagot niya ang tawag nang makita ang pangalan ng sekretarya niya. "Hello, Carol—" "May problema tayo!" Sumilay ang ilang gitla sa noo niya dahil sa narinig. Sakto naman na kagigising lang ni Patti, at mula sa likuran ay niyakap siya ng babae. "Sino iyan?" namamalat pa ang tinig nito at bahagyang nakapikit ang kabilang mata. Nilagay nito ang baba sa balikat niya at nakinig. "Carol, what do you mean we have a problem?

