Parang sandaling tumigil ang paghinga ko dahil sa pagdampi ng labi niya sa akin, at para akong nanigas sa aking kinahihigaan nang marahan nang gumalaw ang labi niya sa labi ko habang nakapikit pa ang kaniyang mga mata. Napakalambot ng kaniyang labi pero ramdam ko ang init ng kaniyang hininga at nalasahan ko rin ang lasa ng alak. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang labi ko para bigyan siya ng laya, o isasara ko dahil natatakot ako sa gagawin niya. Pero hindi, hindi ko alam ang magiging reaction ko. Basta nanigas lang ako habang nakaawang ng konti ang labi, kaya malaya sa paghalik. Pero habang hinahalikan niya ako ay naramdaman ko na ang haplos ng kaniyang isang kamay sa katawan ko. At hindi ko na maintindihan pa ang sarili ko, dahil kusa na lang akong napapikit at namalayan ko na lang

