CHAPTER 5

2332 Words
GABI na, madilim na ang buong karagatan, at kasalukuyan nang tumatakbo ang yate. Nakaupo na ako ngayon sa isang upuan dito sa foredeck ng yate at nakaharap sa table na may mga pagkain. Nakasuot lang ako ng itim na bathrobe, and despite the cool sea breeze brushing against my skin, I couldn't relax. Natatakot pa rin ako at hiyang-hiya. Kasama ko si Vaughn na nakaupo paharap sa akin. Kasalukuyan na kaming nagdi-dinner, at tahimik lang ako habang nanatili lang ang tingin sa aking plato. Pero kahit nakayuko ako ay ramdam na ramdam ko pa rin pagtitig sa akin si Vaughn. Pinagmamasdan ako, pinapanood akong kumain na halos hindi na gumalaw pa dahil sa hinhin. Nakailang kumilos sa totoo lang dahil tanging bathrobe lang ang suot ko, wala man lang panloob kahit panty. Tapos napapaligiran pa ako ng mga lalaking ’to na mga hindi ko naman kilala. Grilled lobster tails with butter‑garlic sauce, truffle arancini with truffle romesco sauce, seafood paella, grilled striped bass, and champagne. Masarap ang mga nakahain na pagkain, pero dahil pa rin sa pagkabalisa ko ay hindi ko na malasahan pa ang sarap—basta kumain lang ako nang tahimik habang nanatili lang ang tingin sa pagkain ko. Nasa paligid lang namin ang ibang mga lalaki na parang nagbabantay lang sa karagatan, tahimik na nakatayo sa may railings na medyo malayo naman sa table namin. “Why are you so quiet now?” Vaughn's voice finally broke the silence. Medyo nagulat naman ako sa bigla na nitong pagsalita. “Are you still afraid of me?” he asked. I pretended not to hear him. Hindi ako sumagot at nanatili lang ang tingin sa baba, pinagpatuloy ko pa rin ang pagsubo ng konting pagkain sa bibig ko gamit ang kutsara; paella lang ang kinain ko, dahil kahit gusto ko ng ibang putahe ay medyo naiilang na akong maglagay sa plato ko. Embarrassment was slowly killing me. Every time I remembered what had happened earlier in the bathroom, I wanted to throw myself into the ocean. Talaga nakita ng lalaking ’to ang hubad kong katawan! Nakakahiya! Tapos ngayon ay ganito pa ang suot ko sa harap niya. Makapal naman ang bathrobe at mahaba, pero pakiramdam ko ay konting galaw ko lang masisilipan ako. Naiilang talaga akong kumilos nang nakaganito lang sa harap ng ibang lalaking hindi ko pa lubusang kilala. Gusto kong magalit sa Vaughn na ’to at pagsasampalin siya dahil sa kaniyang pangahas na pagpasok kanina sa bathroom. Pero wala akong nagawa kundi lunukin na lang ang galit ko, dahil takot ako sa kaniya at baka kung ano pa ang gawin niya sa akin kapag sinampal ko siya. Isusumbong ko talaga ’to kay Kuya ang manyakis na ’to. Humanda ’to sa kuya ko! May araw rin ’to sa akin—masasampal ko rin nang malakas! “Don't be afraid of them,” he said again, referring to the men around us. “They're just my personal bodyguards. That's why they're carrying guns.” Hindi pa rin ako sumagot o kahit nag-angat ng tingin. Pero dahil sa kaniyang sinabi ay parang nabawasan naman ang kaba ko. Bodyguard lang pala niya ang mga lalaking ’to? Akala ko kasi mga sindikato. Salamat naman kung gano'n! “I’m sorry for what I've done earlier. Nanghas akong pumasok sa bathroom, akala ko kasi ay napano ka na. Tawag ako nang tawag sa iyo pero hindi ka naman sumasagot sa akin.” Parang gusto ko na lang maglaho sa kinauupuan ko dahil sa hiya. Talagang binanggit pa niya! Nakakainis! Hindi pa rin ako sumagot at binilisan na lang ang kain. Vaughn let out a sigh. Hindi na ako kinausap pa. Nauna naman akong natapos kumain at agad na tumayo. “B-Babalik na po ako sa cabin.” Hindi ko na hinintay pa itong sumagot at nagmamadali na akong pumasok sa loob ng yate. Bumalik na ako sa cabin at saglit na pumasok ulit ng bathroom para sana mag-toothbrush katulad ng nakasanayan ko tuwing matatapos kumain. Pero napahinto ako nang nasa loob na ng bathroom. Napatingin ako sa mga sipilyo. Three toothbrushes sat neatly inside a holder. Pero mukhang nagamit na lahat! Bigla akong napangiwi na parang nandiri sa isipin na kailangan kong gamitin. No way, hinding-hindi ako gagamit ng toothbrush na nagamit na ng iba at pag-aari pa ng isang lalaki! Eww! Iisipin ko pa lang ay nandidiri na ako. Okay lang ’yong body wash at shampoo kanina—pero itong toothbrush? Talagang nakakadiri gamitin nang gamit na! Pero hindi naman ako puwedeng hindi mag-toothbrush! Kaya naman muli akong lumabas ng cabin at hindi pinansin ang ilang mga lalaking nadaanan ko. When I finally reached the deck, I found Vaughn standing alone near the railings. The sea breeze ruffled his dark hair as he gazed out at the horizon, a cigarette glowing faintly between his fingers. Nakatalikod ito habang naninigarilyo, kaya hindi ako nakita. Kahit ayokong lumapit ay napilitan na lang ako at huminto sa kaniyang likuran. Hindi pa rin ako nito namalayan dahil parang malalim ang iniisip. Kaya naman humawak na ako sa dulo ng suot nitong shirt at hinila ng konti. Saka lang ito napahinto sa paghithit sa sigarilyo at lumingon na sa akin. “K-Kailangan ko po ng toothbrush,” mahina kong wika pero agad ding yumuko sabay kagat sa gilid ng aking labi. “Hindi po kasi ako sanay na hindi nagsisipilyo pagkatapos kumain—” “Bakit, wala bang toothbrush sa bathroom?” he cut in. “M-Meron naman po,” sagot ko habang nanatili pa ring nakayuko. “But I think you've already used them po, eh.” “Tsk,” rinig kong asik nito na parang napairap na. “I haven't used any of them. Puwede mong gamitin lahat—pumili ka lang.” Saka lang ako lakas loob nang nag-angat ng tingin at inosenteng napakurap. “S-Sigurado ka po na hindi mo pa nagagamit lahat ng toothbrush na ’yon?” His eyebrow lifted. “What exactly would I gain from lying about a toothbrush?” masungit nitong sagot na parang nainis agad dahil parang duda pa ako sa kaniya. Kaya naman agad akong natakot at hindi na nangulit pa. “S-Sige po.” Tumakbo na ako papasok ng yate at bumalik na ng cabin. Pagbalik ko ng bathroom ay dinampot ko na ang kulay blue na toothbrush at sandali pa itong pinagmasdan, tiningnan bawat anggulo kung talaga bang hindi pa nagagamit. Inamoy-amoy ko pa, pero wala namang amoy. Eventually, I convinced myself that he was telling the truth and began brushing my teeth. A few minutes later, I was finally done. I rinsed my mouth and set the toothbrush down. Pero saktong natapos na ako at akmang lalabas na sana ay nang bigla na lang bumukas ang pinto ng bathroom na kinagulat ko. “Ano ba?! Hindi ka po ba marunong kumatok?!” galit kong sigaw na hindi na nakapagpigil pa. Si Vaughn ang pumasok na agad na umarko ang kilay at kumunot ng konti ang noo sa akin. Then he leaned casually against the doorway, his hands tucked into the pockets of his gray shorts. “Nakalimutan kong sabihin,” he said casually. “Nagamit ko na pala lahat ng mga toothbrush na ’yan.” Napahinto ako at nanlaki bigla ang mga mata kasabay ng aking pagsinghap na parang hindi na makapaniwala. “W-What?” “I said I’ve used all of them,” he repeated. “Nakailang beses ko na ginamit, lalo na ’yong blue.” My soul left my body. No way! Eww! Parang hinalungkat bigla ang bituka ko at mabilis na akong napatakbo pabalik sa sink habang hawak ang bibig ko, I ran so fast I nearly slipped. The next thing I knew, I was gagging dramatically while trying to spit out every trace of contamination that might still exist in my mouth. Paulit-ulit na akong nagmugmog ng mouthwash at tubig. Si Vaughn ay nakatayo lang sa bungad ng pinto habang nakapamulsa, pinanood lang ako na para bang aliw na aliw na sa akin dahil may namumuo nang ngisi sa labi nito. Hapong-hapo naman ako matapos sumuka at maluha-luha na ang mga mata. “Napakasinungaling mo po!” galit na sigaw ko sa kaniya na hindi ko na napigilan pa at gusto ko pa sana siyang sugurin para hampasin sa dibdib. Pero napahinto ako nang tingnan na ako nito nang seryoso, naglaho na ang ngisi sa labi. Napayuko na lang ako at nilampasan na ito. Tahimik na akong lumabas ng bathroom at naupo na sa gilid ng kama. Sumunod naman si Vaughn habang nakapamulsa pa rin ang mga kamay, at huminto na ito sa harap ko. Pero hindi ko siya tiningnan at nanatili lang akong nakatingin sa baba. “S-Saan po pala ako matutulog?” pautal ko nang tanong sa mahinang boses. Hindi ako nito sinagot pero ramdam kong nakatingin lang sa akin. Kaya naman napapisil na lang ako sa sarili kong kamay at hindi na umimik pa, hinintay na lang ito na sagutin ako. “This is the only room available,” he finally said. “My men are already using the others.” “Huh?” I looked up at him, confusion written all over my face. “P-paano ka po?” A low chuckle escaped him. “This is my room,” he said matter-of-factly. “Where else would I sleep?” Napakurap naman ako. “P-pero paano naman po ako?” For a brief moment, he simply looked at me before answering. “The bed is big enough for the both of us.” “P-Po?” Nanlaki na ang mga mata ko at napatayo na sa gulat. “Sinasabi mo bang magtatabi tayong dalawa sa kama?!” Umarko lang ang isang kilay nito at tinalikuran na ako. “It's your choice,” he said casually. “You can sleep in my bed, or you can sleep outside.” “P-pero hindi ako komportable may katabing lalaki. Tsaka ayoko may katabi.” He didn't even bother turning around. “You're awfully high-maintenance,” he chuckled. “Tandaan mong wala ka sa teritoryo mo para mag-inarte.” Tluyan na itong lumabas ng pinto matapos sabihin ’yon. Naiwan naman akong mag-isa na parang hindi na makapaniwala. Hanggang sa napasimangot na lang at napatingin na sa kama. Malaki nga, kasya kahit tatlong tao pa ang mahiga. Pero sa isipin na magtatabi kami sa pagtulog ay parang kinilabutan ako. Baka mamaya may gawin pa siya sa akin habang tulog ako! Hindi na ako mapakali pa at nagpalakad-lakad na sa loob ng room habang kagat-kagat pa ang hinlalaking daliri. Ano na ang gagawin ko ngayon? Paano ako makakaiwas sa ganitong sitwasyon? Matutulog ba ako sa labas? Pero baka mas lalo akong mapahamak lalo na't maraming mga lalaki sa labas, at mukhang hindi sila mabubuting tao kahit bodyguards lang sila. Masama talaga ang kutob ko sa mga ganoong klaseng lalaki! I was so lost in my thoughts that I nearly jumped when the bedroom door opened again. Vaughn walked back inside carrying a small porcelain teacup. Without a word, he crossed the room and set it on the bedside table. “Drink this para makatulog ka,” kalmadong wika nito at nilapag na ang cup sa ibabaw ng bedside table. I stared suspiciously at the cup before looking back at him. “A-Anong klaseng inumin naman po ’yan?” Parang kinabahan ako bigla. Baka mamaya ay may lason pala o kaya drugs? Katulad na lang ng mga napapanood ko sa mga movies na pinapainom ng drinks na may drugs ang mga babae, at saka pagsasamantalahan kapag wala na sa sariling katinuan. “It's tea,” Vaughn answered. “It'll calm you down and help you fall asleep.” Nilingon na ako nito. “Bakit, ano ba ang iniisip mo?” “B-Baka pagsamantalahan mo po ako habang tulog.” Bigla na lang itong natawa nang malakas na siyang hindi ko inaasahan. Napatitig na lang ako habang tumatawa ito, may dimple pala sa kaniyang dalawang pisngi na lumulubog lang at nakikita kapag tumatawa siya at ngumingiti. Marahan na itong humakbang palapit sa akin habang natatawa at huminto na sa harap ko. “Damn,” he said with an amused chuckle, napailing pa. “You're still such a baby, sweetheart.” I blinked. “Definitely not my type,” he added in a sarcastic tone, at pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago huminto ang tingin sa mukha ko. “I already saw you completely naked earlier. And I didn't make a move on you, did I?” Pinukol na ako nito ng matalim na tingin. “Wala kang epekto sa akin ni katiting.” Bago pa ako makasagot ay nilampasan na ako nito at naiiling nang lumabas muli. Napakurap na lang ako sa aking kinatatayuan at parang napahiya bigla. Pero kahit papaano ay parang nakampanti naman ako. Mas okay na ’di niya ako type. Siguro nga ay gusto niya lang talaga makabayad si Kuya sa pagkakautang sa kaniya kaya niya ako tinangay rito. Kaya naman hindi na ako nagduda pa at lumapit na lang sa bedside table. Bahala na. Hindi naman niya siguro ako lalasunin kasi wala naman siyang mapala sa akin kung papatayin niya ako. Kaya nga niya ako tinangay rito sa kaniyang yate ay dahil kailangan niya ako para pagbayarin si Kuya sa mga utang sa kaniya! Dinampot ko na ang teacup at naupo pabalik sa kama, hanggang sa ininom ko na nga. Napangiti na lang ako dahil masarap pala at hindi masyadong matamis. Hilig ko pa naman uminom ng tea, mas gusto ko kaysa sa gatas at kape. Tea ang palagi kong iniinom lalo na kapag tanghali, mas gusto ko kaysa soft drinks. Nang maubos ang tea ay napasandal na lang ako sa headboard ng kama at parang naramdaman ko na lang ang panghihina ng katawan ko. Hindi nagtagal ay bumigay na ang talukap ng mga mata ko, hanggang sa tuluyan na akong bumagsak sa kama. Narinig ko pa ang tunog ng pagbukas ng pinto at mahinang yapak palapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD