“I CAN walk.” “No, you can’t, Temarrie.” “I can.” Pinilit niyang makawala rito habang naglalakad sila sa corridor ng ospital. Ngunit hindi siya nito hiyaan makalayo. “Temarrie, you don’t have to be strong all the time. At minsan, kailangan mo rin ang tapang na iyon para sabihing mahina ka.” “Malakas ako.” “You can’t even walk straight.” “Kailangan ko lang ng kape.” “Kailangan mo ng pahinga. Ng maraming maraming pahinga.” Nanlalabo na ang paningin niya sa ilang araw na pagpupuyat. Pero ayaw pa niyang pumikit. Kailangan pa siya ng kanyang ama. Sumama lang siya ngayon kay Jubei para makapagpalit ng damit. “Ihatid mo na lang ako sa bahay namin, Jubei. Tapos, puwede mo na akong iwan. Salamat sa lahat.” “Sino ang may sabing iiwan kita?” “Ilang araw mo na akong hindi pinapansi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books