KINAGAT NI Temarrie ang kanyang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang sa salaming bintana sa ICU ng ospital kung saan ito naka-confine. Agad niyang tinawagan ang mga nakatatandang kapatid pag-alis na pag-alis pa lang nila Stallion Riding Club. Sa ospital na nga sila nagkita-kita. “Ayaw talagang ipaalam sa iyo ni Papa ang kalagayan niya, Temarrie,” wika ng kanyang KUya Marlon. “Gusto niyagn maging masaya ka sa araw ng iyong kasal.” “Kailan pa ninyo itinatago sa akin ang kalagayan niyang ito, KUya?” “Matagal na,” sagot ng Kuya Anthony niya. “Ilang beses na siyang nagkaroon ng heart attacks. Hindi lang nahahalata dahil magaling siyang magtago ng mga sintomas. His last fatal attack was the day after your wedding.” Iyon ang araw na tumawag ito sa kanya upang ipaalam na pupunta ra