CHAPTER 20

1670 Words
“ITO BA ANG gusto mong mangyari sa lugar na ito, Temarrie?  Ang pag-awayin ang magkakaibigan na iyan?” Si Rumina ang nagsalita.  Nakasakay din ito sa kabayo na ginagamit nito kanina habang tinuturuan ni Jubei.  Nasa di kalayuan sina Jubei at Neiji na halatang may malaking pinagtatalunan habang ang Samaniego twins ay nakatayo lang di kalayuan sa mga ito, tila nag-aabang lang na aawat kung sakaling may pisikalan na mangyayari sa mga nagtatalo. Kahit na nga mas mukhang miron lang ang mga ito kaysa potensyal na referee. “Mula nang dumating ka rito, lagi na lang nasasangkot sa gulo si Jubei,” patuloy ni Rumina.  “Hindi mo pa ba nahahalata na puro lang gulo ang hatid mo sa mga tao rito?  Pati si Paz Dominique, pinag-initan ang ilang mga females guests dito nang dahil sa iyo.” “Hindi ko kasalanan iyon.  Sila ang unang lumapit sa akin.  Ipinagtanggol lang ako ni Dominique.” “Bakit ka naman kailangang ipagtanggol?  Inaapi ka ba rito?” Nanatili na lang siyang hindi umiimik.  Nag-aalala na kasi siya sa kahihinatnan ng tensyonadong pag-uusap nina Neiji at Jubei.  Ano ba kasi ang sinabi ng kambal na iyon sa kanyang asawa at ganon na lang ang galit nito nang dumating ito doon?   “It was obvious na hindi kayo bagay ni Jubei, Temarrie.  Lagi mo na lang siyang binibigyan ng problema.  Kaya bakit hindi mo na lang siya hiwalayan habang maaga pa?  Bago pa siya naman ang mapahamak nang dahil sa iyo.” “Hindi ikaw ang magsasabi sa akin kung ano ang gagawin ko sa buhay ko, Rumina.” “Bakit, sino pa ba ang inaasahan mong magsasabi nun sa iyo?  Si Jubei?  He wouldn’t say anything, dahil naaawa siya sa iyo.  Kunsabagay, nakakaawa ka nga naman.  With your mom dead and your father now in critical condition at the hospital…” Kasabay ng pagbaling niya rito ay ang paggalaw din ng kabayong kinasasakyan niya.  Hinawakan niya nang mahigpit ang renda ni Beast. “Anong sinabi mo?” “Bakit?  Hindi mo ba alam?”  Umismid lang ito.  “Poor girl.  Sarili mong ama, hindi mo alam ang kalagayan?  Ano bang klase kang anak?” “Anong nangyari sa Papa ko?”  Halatang nagulat ang kanilang mga kabayo sa sigaw niyang iyon kaya nag-umpisa ng maging uneasy sa kinatatayuan ng mga ito ang mga hayop.  “Anong nangyari sa Papa ko?  Bakit mo sinasabing nasa critical condition siya?  Nasa US ang Papa ko at negosyo ang pinagkakaabalahan niya roon!” “Huwag kang sumigaw,” saway nito.  “Tinatakot mo ang mga kabayo.” “My father’s not going to die!” Sa huling sigaw niyang iyon tuluyang nagwala ang mga hayop.  Nang tumakbo ang kabayo ni Rumina, napatili ang babae.  That was her horse’s cue to rise up its front legs, swinging it up high enough for her to lose her grip on the rein.  Bumagsak siya sa lupa at agad niyang naramdaman ang pagkirot ng kanyang kanang balikat.  Nagdidilim na ang kanyang paningin dahil sa kirot subalit nilabanan niya iyon.  Kaya kitang-kita niya nang habulin ni Jubei ang kabayong kinaroroonan pa rin ni Rumina.  Wala na itong malay nang makuha sa likuran ng kabayo. “Temarrie!  Oh, my God!  Are you okay?” boses iyon ni Neiji.  “Teka, huwag ka munang gagalaw.  Padating na ang mga paramedics.” Nagpilit pa rin siyang makatayo kahit nahihilo na siya.  Napapapikit lang siya sa sobrang kirot ng kanyagn balikta pero sa kabuuan, wala na siyang ibang naging pinsala. “Dumito ka na lang muna, Temarrie,” wika ng isa sa kambal.  Ang isa kasi ay kasama ni Jubei nang isugod si Rumina sa pinakamalapit na pagamutan marahil.  “Mukhagn hindi maganda ang lagay ng balikat mo.  Kapag napuwersa iyan, baka mas lalo lang lumala ang pinsala mo.” “I’m fine.”  Wala ng mas sasakit pa sa nasaksihan niya kanina.  Kung saan mas inuna ni Jubei na iligtas ang ibang babae.  “Kailangang makabalik ako ng Maynila.  Gusto kong makita ang Papa ko.” “Hindi ka namin papayagang umalis,” mahinahong deklara ni Zell.  “You’re hurt, Temarrie.  Kailangan mo ng mabilis na medical attention.  Dadalhin ka namin sa Maynila as soon as sabihin ng doctor dito na walang anomang malubhang pinsalang nangyari sa iyo.  Sumama ka na sa amin sa clinic.” “Gusto kong makita ang Papa ko!” “You’ll see him as soon as we get you out of your misery.” Mukhang wala na rin naman siyang magagawa dahil binarikadahan na siya ng mga lalaking iyon.  Na kung papalag pa siya ng isang beses, may kutob siyang bubuhatin na siya ng mga ito madala lang sa clinic. But Jubei and Rumina was also there.  Wala pa ring malay ang babae habang nasa tabi pa rin nito ang kanyang asawa.  Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin.  And seeing them together makes her injury even more unbearable.   “Na-dislocate ang buto mo sa balikat, Mrs. Bernardo.” Parang gusto niyang ibigti sa pamamagitan ng stethoscope ang doctor.  Tawagin daw ba siyang Mrs. Bernardo habang ang magaling niyang asawa ay nasa kabilang panig lang ng silid na iyon, kapiling ng babae nito? “We could snap it back to its original position,” patuloy ng doktor.  “So, kailangan mong mag-relax.” “Teka, Doc,” singit ni Neiji.  “What do you mean ‘snap back’?” “It is what it is.” Napasinghap at napangiwi ang mga lalaking nagmalasakit na magdala sa kanya sa clinic na iyon.   Mabuti pa ang mga ito. “Nagkaroon na rin ako ng ganyagn injury noon,” wika ni Gino.  “When the doctor snapped it back, man, I could have killed him.” “Yeah,” sang-ayon ni Hiro.  “It was hell, but only for a few seconds.  Parang kagat lang ng langgam…ng malaking-malaking langgam.” Lahat sila roon ay nakamasid lang sa dalawang huling nagsalita.  Ang mga ito na lang kaya ang unahin niyang ibigti sa stethoscope?  Hinawakan siya ng doktor sa braso at minasahe iyon.  Pagkatapos ay maingat naman nitong inilapat ang isang kamay nito sa may pinsala niyang balikat.  She winced even on the slightest pressure.  Mariin siyang napapikit habang hinihintay ang tinutukoy na impiyerno nina Gino at Hiro.   “Temarrie!” She opened her eyes in time to see Jubei coming her way before the searing pain of her shoulder almost blinded her.  Napaiyak na siya. “Ayoko na, pare!” boses iyon ni Zell.  “Hinding-hindi na ako magdadala ng kahit na sinong babae sa ospital.” “Mauuna na ako sa inyo, ‘tol.  Mawawalan na ako ng ulirat dito.” “I think I’m going for a swim.” Nagsialisan na ang mga lalaking nagdeklara ng katapangan subalit tumiklop naman nang makarinig ng iyak ng isang babae.   “Temarrie…its okay.  You’ll be alright now.  Tahan na…” Pamilyar sa kanya ang mainit at maingat na mga brasong bumalot sa kanya ngayon.  Iyon ang mga braso ng lalaking kanyagn minahal ngunti nanatiling pag-aari ng iba ang puso nito.  Humupa na ang matinding kirot sa kanyagn balikat kaya nagawa niyang tapikin ang mga braso nito. “Bitiwan mo ako!”  Patuloy ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata.  Saka ito hinarap.  “Tell me, Jubei.  Alam mo ba ang tungkol sa kalagayan ng Papa ko?  Alam mo ba?!” “Temarrie…” “Alam mo, hindi ba?  Kaya pinipilit mo akong tawagan siya nang kusa.  Dahil alam mong hindi na ako magagawa pang tawagan ng Papa ko!  Because he was sick and in a critical condition!  Bakit hindi mo sinabi sa akin?  Bakit!” Hinawakan niya ito sa kuwelyo ng suot nitong jacket.  Ngunit agad din naman niyang binawi ang kamay dahil kumirot na naman ang kanyang balikat. “Mrs. Bernardo, hindi mo muna maaaring maigalaw pansamantala ang kanang braso mo,” wika ng doktor.  “Please, iniiwasan nating magkaroon ka ng permanenteng damage sa balikat—“ “I don’t care!  Gusto ko ng makita ang Papa ko!” “Sige,” wika ni Jubei sa tahimik na boses.  “Ihahatid na kita sa Maynila.” “No.”  tinuyo niya ang mga luhang naglandas sa kanyagn mga pisngi at inayos ang sarili saka ito tinitigan ng buong pait.  “Kaya ko ang sarili ko.  Dumito ka na lang.  Bantayan mo si Rumina.  Hindi pa rin siya nagkakamalay.” “Nawalan lang ng malay si Rumina.  But she’s okay now.  Ako ang maghahatid sa iyo sa Maynila.” “Ayoko.” “Temarrie—“ “Ayoko sinabi.”  Nakita niya ang isa sa kambal.  “Puwede bang magpahatid sa iyo sa Maynila?” “I have a chopper.  Yeah, sure.” “Jigger—“ “Hayaan mo na muna siya, pare.   Marami pa namang pagkakataon na makakapag-usap kayo.  And by the way, its Trigger.” As she walked out of the Stallion Clinic, batid niyang iiwan na rin niya roon ang kanyang puso at pag-ibig.  Sa piling ng lalaking minahal niya ng lubos. “You know,” wika ni Trigger habang patungo sila sa helipad kung saan naghihintay ang helicopter nito.  “Kaya lang naman si Rumina ang unang inasikaso ni Jubei ay dahil siya ang nawalan ng malay.  Sa sobrang takot siguro.” “Wala akong pakilam.” “Wala ba?  Pasensiya na.  Napansin ko lang kasi na parang nagselos ka nang husto kanina nang si Rumina ang daluhan ng asawa mo.  Ang totoo, ikaw talaga dapat ang unang dadaluhan ni Jubei.  Pero inutusan namin siyang si Rumina ang asikasuhin dahil siya ang pinakamalapit sa kanya at kami naman ng iba pa naming kasama ay nasa tabi moo na—“ “Trigger, please, huwag ka na lang magsalita.” “Okay.  I just thought you might want to know.” “I don’t.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD