MALIWANAG AT NAGKALAT na mga upuan saka lamesa ang bumungad sa mga mata ni Maria. Marami din mga bisita na tiyak niyang may mga Kaya sa buhay at iba naman ay sa kongreso nagtatrabaho. Sa gilid ng pool doon naka pwesto ang pari at nasa harapan nito ang maliit na mesa na may maliit na biblia. "Marunong din pala kayong sumamba ng panginoon!" nangangalit bagang na wika niya habang diretsyong nakatingin doon. Lalong nag-init ang ulo niya ng masagi ng mga mata niya si Regina na papalapit sa pari habang kapit nito si Zia. Mukhang nakuha na nito ang loob ng panganay niya dahil nakita niyang nakangiting kinakausap ng bata ang kerida ng asawa niya habang humahakbang ang mga ito. May kurot siyang naramdaman. Na hindi pinaramdak sa kaniya ng anak. Hindi niya ito puwedeng sisihin dahil halos lumak