MAG-AALANA NA pero masaya pa rin sila ni Jesse na nagkukwentuhan. Ubos na nila ang mga malalaking snack at natitira na lamang ay ang nasa nasa harapan nilang na ilang piraso na lamang. Hindi na rin niya sinabi kay Jesse na umiikot na ang paningin niya habang itoy nakikita niyang wala 'man lang reaksyon ang alak dito. Patuloy pa rin siya sa pag-inom dahil ayaw niyang maputol ang kasiyahan nilang dalawa. Nagkukwento kasi ito ng mga kakatawanan kaya lalo siyang ginaganahan makipag -usap dito Kahit sandaling mawala ang problema niya. "Dapat ang sinabi mo sa classmate mo hindi ka makakapunta dahil masama ang pakiramdam mo." suhesyon niya sa kinukwento nito. "Ewan ko ba kay Den!" natatawa na rin nitong sagot. Umiling siya matapos inabot ang huling bote. Huling laman iyon kaya siya na laman