IPINARADA NI Jesse ang sasakyan nito sa gilid kung saan maririnig at matatanaw nila ni Maria ang lagaslas ng malakas na alon. Nagkukumahog si Jesse na bumaba ng sasakyan nito at kaya pala ay pagbubuksan siya nito ng pintuan. Pero hindi niya ginawang lumabas. "Ang akala ko sa park tayo, pero okay lang naman din dito." aniya. Ayaw niyang lumabas dahil sa ganoon ang suot niya. Tumuwid na tumayo si Jesse habang naghihintay ito sa pagbaba niya. "Mas okay dito. Tahimik na tanging lagaslas lang ng tubig ang maririnig mo. Nakakarelax." tama nga naman ito. Sa daloy ng boses nito napakasaya nito. "Siguro mas okay kung dito tayo sa ibabaw ng sasakyan ko para naman makita natin ang alon ng dagat." "Paano ako aakyat sa ibabaw ng sasakyan mo na ganito ang suot ko?" nakangisi niyang tanong. "Dito