KABANATA 29.

1606 Words
"GOOD MORNING!" Masiglang bati ni Jesse sa likuran ni Maria habang itong nakatalikod at may kaharap na kape. Ngunit isang minuto na siyang nakatayo doon at naghihintay sa sagot nito ngunit wala siyang narinig na bati. Ginagawa lang nitong paikutin ang kutsarita sa nakatimplang kape nito. Hindi na siya magsalitang muli dahil umupo na lang siya at humarap kay Maria. "Good morning." ulit na bati niya kahit na ba nakabusangot itong tinapunan siya ng tingin. Kahit may pagkamasungit ito hindi siya nagsasawang inisin ito. Lalo pa syang nahuhumaling sa pang-aasar din nito sa kaniya. "Good morning..." Pangatlong ulit na bati niya. "Walang maganda sa umaga!" asik kaagad nitong sagot. Lumabi muna si Jesse matapos ay nagsalita din, "Pero mas maganda ka pa sa umaga." "Ang aga mong namwimwisit!" taas kilay na sabi ni Maria. "Alam mo, ang ganda ng bahay mo pero wala 'man lang kayong bigas!" bwelo pa nito. "Bakit, sino ba nagsabing magsasabing ka?" "Bakit, sino ba nagsabing kakain ka?" syaka inirapan siya. "Ang sungit mo. Pasalamat ka maganda ka!" saka walang paalam na inabot ni Jesse ang kape sa harapan ni Maria at walang abog na hinigop iyon at naubos niya. "Masarap ka palang magtimpla ng kape. Siguro masarap ka rin magmahal?" "Sorry, wala kang makukuhang sagot dahil hindi kita kilala. Malay ko ba kung nagtatagong rapist ka pala o snatchers dyan sa kanto." "Sa mukhang ito, Carmen, magiging rapist ako o snatchers?" "Madaling magsinungaling." "Siguro kung magiging rapist ako. At dahil paulit-ulit na binabanggit mong ganun ako. Siguro ikaw ang uunahin ko." "Baka hindi ko pa naikukuwento. May lahi akong mangkukulam dahil once na minanyak mo 'ko. Tingnan natin kung tumigas pa 'yang pototoy mo. Kaya, don't me!" Ganting pananakot nito na hindi papatalo. Nawiwili tuloy siyang asarin ito. "Puwede maging seryoso naman tayo? Mula pa kahapon tayo nagbabangayan." "Marunong kaba no'n?" "Bakit hindi?" Saka umayos siya ng pagkakaupo. "Hindi mo bagay!" Napakunot nuo siya Kay Maria, "Kahapon pa lang na nakita kita mukha ka ng mongoloid." wala pa rin sulyap sa kaniya. Kung iba lang ang nagsabi sa kaniya no'n tiyak baka dumadaloy na ang dugo sa labi nito. "Hindi kaba marunong magseryoso? Nakkakapangit pag laging galit." Pangungulit niya, "Lagi kana lang masungit. Siguro menopause kana?" "Tadyakan kaya kita dyan?!" namumulirat matang banta nito. Sa daloy ng pag-uusap nila ni Maria. Nakikita niyang hindi ito ang klasemg babaeng kaagad mong makukuha ang loob. "E, 'di tadyakan mo, basta may isang halik?" Isiningkit nito ang mga mata bago sumagot. "Sa iba na lang, uy! Kung ako sa'yo palayasin mo na ako dito." "Bakit, may pamilya ka bang naghahantay sa'yo? May asawa kana ba?" umpisa niya. Mabilis na nagbago ang itsura nito at naging seryoso ang pagmumukha nito. "Sorry, uh. Mula kasi kahapon hindi ko alam kung ano uunahin kong itanong saiyo." Bahagyang gumalaw ang ulo nito, "Bakit ka magtatanong sa'kin about sa buhay ko? Sino kaba?" "Nothing!" Aniya na kumumpas pa ng kamay. Tumango ito ngunit sinagot din ang mga tanong niya. "May siyam akong anak na naghihintay sa akin. Gets mo? Wala na akong asawa dahil kinulam ko dahil babaero sya. Pinalaki ko 'yung bayag. Kaya ayun! Umuwi sa nanay nya. Kaya kung mangungulit ka pa na kakatanong sa'kin. Hindi ako magdadalawang isip na kulamin ka." Kumagat labi siya at saka sadyang inilapit pa ang ulo na nakayukod sa lamesa. "Parang ang ganda ng sinabi mo. We can try. Eksakto, tayo lang dalawa sa bahay ko." Ganting pang -aasar niya. "Bumili ka na nga lang ng bigas! Nakakainis ka!" pikon na utos nito. "Ikaw kaya ang nag-umpisa." "Hindi ako nag-umpisa. At ikaw! Tanong ka ng tanong para kang imbestigador!" "Bakit ba kasi ang sungit mo? Wala naman akong ginagawa sa'yo, uh." "Walang ginagawa? Yuong kape ko nga Mister ininom at inubos mo!" "Kape lang pala problema mo. Kahit ako na umako sa anak mo. Kahit ora mismo pakakasal ako sa'yo." "O.a mo! Hindi bagay! Bigas nga wala ka! Pampakasal pa kaya!" Saka tumayo ito at tumalikod sa kaniya. Habang nakaupo siya sa silya. Nakatitig siya sa likuran nito dahil nakatayo itong nakatalikod. Gusto niya itong hilahin paharap sa kaniya at bigyan ito ng isang halik na hindi nito kayang kalimutan sa buong buhay nito. Pero paano niya magagwa iyon kung kada mag-uusap sila nito ay nakaangil at estranghero ang tingin nito sa kaniya? "Carmen, seryoso. May asawa ka na ba at mga anak?" Alam niya ang totoo pero bakit gusto niyang marinig sa bunganga nito na hiwalay na ito kay River na hindi na nito mahal ang asawa. Mabilis siyang binalutan ng paninibugho kay River. "Bakit ba gusto mong malaman ang tungkol dyan, Jesse?" Bahagyang iginalaw pa nito ang ulo ng humarap sa kaniya. Nakaramdam na siya ng pagtataka ni Maria. Bago siya sumagot tumayo muna siya at humarap kay Maria na may ilang hakbang ang layo niya. "Because, I like you." "Hgm!" Angil nitong sagot. Maya't ngumiti na may halong hindi makapaniwala. "Ako, gusto mo?" sabay turo nito sa sarili. Mabilis na tumango siya kay Maria. "Paanong nangyare? Kahapon lang tayo nagkita?" "Love at first sight siguro. Hindi ko alam." "May asawa at anak na ako." napatitig siya kay Maria. "Dalawa ang anak ko." "Okay lang. E, 'yung asawa mo?" naging sagot niya. Kumagat muna ito sa pang-itaas na labi. "Mahabang kuwento." saka mabilis na pinunasan nito ang luhang agarang namuo sa mga mata nito na akala nito hindi niya nakita. "Willing akong makinig Carmen. Pleese sit down." Saka hinawakan niya ito sa baraso at giniya na maupo. Walang tangging sumunod ito sa kaniya. Tila handa na itong magkwento sa kaniya. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Niloko ako ng asawa ko. Pinagpalit niya ako sa pinagkasundo sa kaniya nuon." umpisa nito. At alam niyang si Regina iyon. "Bakit naging palaboy ka? Bakit ganoon ang itsura mo nuong nabangga kita?" Sunod-sunod na tanong niya. "Maraming napagkakamalan na baliw ako." saka huminto ito. Segundo at nagpatuloy ulit. "Sinasadya ko 'yun para walang makakilala sa akin." Biglang kumunot ang nuo nito at ito naman ang nagtanong. "Hindi ba't nabangga mo ako sa harapan nila Regina? Magkakilla kayo?" Napalunok laway siya. Wala sa plano niyang maaga niyang ipapaalam ang nalalaman nya. "No!" mabilis na tanggi niya. "Bakit naandoon ka?" Parang sinisilhan ang magkbilang pwit niya dahil kung kanina siya ang tanong ng tanong, ngayon nabalik sa kaniya ang katanungan niya. "Napadaan lang at eksaktong tatawid ka." tumango ito na tila naubusan na ng sasabihin at iyon na ang oras para magtanong ulit siya. "Nasaan nga pala ang mga anak mo?" Hindi ito makasagot. "Puwede kitang tulungan kung gusto mo." Matagal itong ganoon ang itsura. itsurang nag-iisip kung sasabihin ba sa kaniya o hindi. Mamaya at nakita na lang niyang tumutulo na ang luha nito habang nakayukod ito. Inabot niya ang palad nito. "Sabi ko nga sa'yo, willing akong makinig at willing din akong tulungan ka, Carmen." Saka pinisil niya ang magkabilang palad nito. "H-hndi natin sila kaya." napipiyok nitong sagot. "Bakit?" Alam niya ang tungkol sa pamilya ni River ngunit mas gusto niyang si Maria ang nagkukwento sa kaniya. Lalo na at nakita na niya ng personal ang panganay nitong anak. "Jesse, anak ng Gobernador ang asawa ko!" Hanggang sa humagulgol ito ng iyak matapos binawi nito ang sariling palad dahil itinakip sa mukha nito iyon. "Masasamang tao sila! Gusto kong sumugod doon para bawiin ang mga anak ko! Pero paano?" Umiiyak na kwento nito. "Paano kong gagawin lahat ng gusto ko?!" Hanggang sa isinandig ni Maria ang ulo sa lamesa kasama ang magkabilang palad nito. Mabilis na tumayo si Jesse at isinandig ni Jesse ang ulo ni Maria sa bewang niya. "Wala akong nagawa nuong gabing iyon! Dinampot nila ako at dinala sa paanakan. Kahit hindi ko pa kabwanan, sapilitan nilang inilabas ang anak ko. Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak. Kulang na lang mabaliw ako dahil sa lungkot. Mag hayup sila! Pero pinilit kong maging matatag para sa dalawang anak ko na balang araw makukuha ko din sila." Suminghot ito bago ulit magpatuloy, "Tumakas ako habang puyat sila. Ang akala ko mamatay na ako dahil ang daming dugo na lumabas sa akin hanggang sa nawalan na ako ng malay. Doon napulot ako ni Nanay Susan. Tinulungan nila akong makarekober. Pero Hindi ko sinabi ang dahilan Kung bakita ako nasa liblib na lugar dahil ayaw ko silang madamay sa problema ko. Ayokong sabihin dahil natatakot ako na baka sila madamay. Kaya nung nakita mo ako papunta ako nun para mamasura. At alam kong hinahanap na nila ako." Saka nagtaas ito ng ulo. Kitang kita niya ang luhang nagkalat sa mukha nito. Yumukod siya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Tahan na." Sabay haplos niya sa buhik nito. "Pasensya kana. Pero gusto ko ng umuwi. Tiyak nag-alala na sila sa'kin." lumuluhang pakiusap nito habang diretsyong napatitig sa kaniya. "Dito ka lang at ako ng bahala kay Nanay Susan mo." "Paanong ako ng bahala?" "Aalisin ko sila doon kung saan sila nakatira at bibigyan ko sila ng bagong panimula." "Hindi kita maintindihan, Jesse." nagtatakang mukhang tanong nito. "Tulad mo, tutulungan ko din sila. Lahat ng malapit saiyo tutulungan ko, Carmen. Tutulungan kitang makuha mo ang mga anak mo at mbigyan ng batas ang ginawa nila sa pagkatao mo." Malakas na napahagulgol si Maria sa narinig. Nakapikit siya at mahigpit naman niya itong niyakap. Maya't humiwalay din ito sa pagkakayakap. "At anong kapalit ng lahat? Hindi ako makapaniwalang isang tulad mo tutulong sa akin. Sino kaba? Bakit ganyan na ang mga pinaparamdam mo sakin? Matagal mo na ba akong kilala? Matagal mo na ba akong minamatyagan? Bakit bigla ka na lang sumulpot? Sino kaba?" sunod-sunod na katanungan nito habang diretsyong nakatingin sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD