"BAKIT GUSTO MO AKONG tulungan gano'ng sinabi ko na sa'yong delikado ang lahat? Bakit parang alam mo ang lahat? Bakit parang kilala mo 'ko? Sinadya mo ba talagang banggain ang dala kong kariton? Sino kaba talaga? Matagal mo na ba akong sinusundan?" Halos paulit-ulit na tanong ni Maria kay Jesse.
Hindi ito kumibo kaya sinundan ni Maria ng tingin ang paghakbang ni Jesse saka naupo ito sa harapan niya. Halos hindi kumurap si Jesse sa kaniya habang titig na titig ito sa mga mata niya. Para bang may iniisip itong malalim o pinag-iisipan ang bawat buka ng labi nito.
"Sumagot ka! Sino ka?!" May pagkabulyaw na tanong niya.
Seryosong tumayo si Jesse sa pagkakaupo.
Napasunod ulo si Maria sa pagtayo ng binata. At walang salitang umalpas sa labi nito saka tumalikod ito sa kaniya. Iba talaga ang hinala niya. May tinatago ito kaya iyon ang dapat niyang malaman. Mabilis siyang tumayo sa pagkakaupo.
"Sagutin mo ang tanong ko, Jesse! Sino ka?!" aniya na patuloy ang pagsunod sa lalaki.
Kailangan niyang malaman kung bakit nais nitong tulungan sya. Nagtataka kasi siya kung bakit ganoon na lang ang pagkainteres nito sa kaniya. Madalang ang ganoong tao lalo na hindi basta-basta ang taong babanggain nila!
"Sagutin mo 'ko!" Saka malakas na hinila ni Maria ang kanang baraso ni Jesse. Galit ang mukha niyang ipinakita rito. "Anong balak mo sa'kin?!" Hindi niya titigilan ito hanggat walang sya'ng nakukuhang sagot.
"Wala akong balak na saktan ka, Carmen. Tulad nga nang sinabi ko sa'yo, tutulungan kita hanggang sa makuha mo ang karapatan mo para sa mga anak mo, dahil sa gusto ko." Pagpapaintindi nito sa kaniya.
"At pagkatapos...?"
"Nothing." maikling sagot nito na hindi tumitingin sa kaniya ngunit hindi sapat ang kasagutan nito. Walang tao na tutulong ngayon na walang kapalit lalo na sa kalagayan nya!
"Hindi ako naniniwala!" aniya na hindi pa rin bumibitiw sa baraso nito. Lalo pang dumiin ang pagkakahawak niya rito at kulang na lang ay bumaon ang mga kuko niya sa balat nito, "Alam ko at nararamdaman ko sa sarili kong may itinatago ka Jesse! Ramdam ko 'yun kaya hindi mo ako masisisi kung bakit pilit akong nagtatanong!" bulyaw na dugtong pa rin niya.
Humarap ito sa kaniya na animoy hindi nasasaktan sa pagkakahawak niya, "Gusto kitang tulungan dahil gusto kita at naawa ako sa'yo. That's all."
Mabilis siyang bumitaw at sa pagkakahawak niya sa baraso nito at mabilis na humarang sa dadaanan nito.
"Please, sabihin mo na dahil kahit anong igiit mo, hindi ako naniniwala! Hindi ako naniniwala sa lahat ng sagot mo. Please huwag mo ng itago! Alam kong kilala mo 'ko! Hindi, ba?" Saka pinahid na ang luhang mabilis na bumagsak sa magkabilang pisngi gamit ang likuran ng palad niya.
"Carmen, 'yun lang, wala na. Wala na akong sasabihin at sasagutin sa mga tanong mo."
sunod-sunod siyang umiling.
"Hindi tayo matatapos sa usapan ito hanggang hindi ka magsasabi ng totoo!"
Huminga ito ng malalim.
"Sabihin mo na kasi. Matagal mo na ba akong kilala?"
"Carmen..."
"Please..." Saka pinagdaop ang palad sa harapan nito. "Nakikiusap ako."
"Gusto kitang tulungan dahil mahal kita."
"Ang babaw! Walang kasing babaw kasi hindi ganoon kadali magmahal. Sinabi ko sa'yo may asawa at anak ako. Hindi mo ako mapapaniwala na ganoon lang!"
"You can devorse him and then, we'll get married if you don't want to believe, Carmen." Seryoso ang mukha nitong suhesyon.
"Ang babaw ng mga dahilan mo! Fu*ck you Jesse! F*ck you!" Mura na paulit-ulit niya, nakita niya paano ito nasindak. "Napakabaliw mong tao!" Dagdag pa niya. "Walang magmamahal sa'yo ng isang babae kasi mukha kang baliw! Wala ka na sa tamang pag-iisip! Ganoon lang mahal mo na kaagad?!"Sasagarin niya ito at sa ganoon umamin ito sa katotohanan.
Nanliit ang mga mata nito. Napansin din niyang umikom ang maskabilang palad. Tila pinakita sa sa kaniya ang malaking pagtitimpi.
"Ano, tama ako 'di ba? Huwag ako Jesse dahil marunong akong kumilatis ng tao. Salamat sa tulong mo, pero kung hindi mo sasabihin ang katotohanan ng pagtulong mo...hayaan mong umalis ako sa bahay mo at huwag ka ng magpapakita pa."
Ngunit tinalikuran lamang siya ni Jesse. Gusto niya itong habulin para kulitin ulit. Datapwat parang pagod na pagod ang pakiramdam niya. Parang wala talaga siyang makukuhang magandang sagot nito. Napakatigas! Nanlalambot na humugot siya ng upuan at naupo sa harapan ng lamesa.
Totoo kayang mahal talaga siya nito kaya tutulungan siya? Aminadong kailangan niya ng tulong. Pero paano niya tatanggapin ang tulong ng isang tao kung hindi naman niya alam ang totoong kapalit. At kung ano ang totoong pagkatao nito.
At dahil wala siyang matinong tulog kinagabihan. Hindi niya namalayang nakatulog siya sa upuan. Nagising siya dahil sa pagkalam ng sikmura. Kinuskos niya ang magkabila mga mata, maya't tumayo din. Dinala siya ng kaniyang mga paa sa kuwarto niya dahil wala naman siyang makakain sa kusina, ngunit bago siya nakarating doon dadaanan muna niya ang kuwarto ni Jesse. At dahil nakita niyang nakauwang ang pintuan may bumubulong na sumilip siya doon.
Nakita niyang may kausap si Jesse sa tawagan at nahuhulaan niyang seryoso ang mga ito dahil sa daloy ng boses nito.
Hindi na lamang niya itinuloy ang pakikinig dahil hindi rin naman niya maintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa dahil halos pabulong ng nag-uusap. Dahan siyang lumayo sa kuwartong iyon at nagtungo na lang ulit siya ng kusina dahil oras na rin para sa tanghalian. Susubukan niyang humagilap ng anong puwedeng makakain. Nagugutom talaga siya.
Nangalkal siya sa mga kabinet kung ano ang pwedeng lutuin. Ngunit walang laman lahat. Wala pa nga rin ibang gamit ang bahay kaya natitiyak niyang mukhang bagong lipat lang ito.
Naiinis na nagtungo na lang siya ng kuwarto. Doon na lang siya magmumukmok. Wala rin naman siyang gagawin sa kusina kundi ang tumanganga. Pagkapasok doon, mabilis siyang sumampa ng kama at nagkulubot ng kumot, ngunit naggigitata naman ang pakiramdam niya dahil wala din siyang ligo dahil wala siyang pamalit na kasuotan. Inis na mabilis siyang tumayo sa pagkakahiga.
Napatingin siya sa pintuan. May kumakatok doon pero hindi siya sumagot. Ayaw niyang buksan iyon at gusto niyang kusa na lang iyon bumukas. Tinatamad siya dahil nagugutom talaga siya. Ngunit ayaw din tumigil sa pagkatok na tila ba sinasabing "sya na ang magbukas". Gutom 'man, ginawa na lang niyang tumayo para buksan ang pintuan. Padabog niyang binuksan iyon dahil alam naman niyang si Jesse ang kumakatok.
Nanlaki ang mga mata niya kung sino ang nakatayo sa harapan niya. Halos ayaw bumuka ang labi niya sa pagkagulat. Hindi siya makapaniwala kung sino ang nasa harapan niyang diretsyo at nakangiting nakatingin sa kaniya. Tanging luha ang biglang nagbagsakan sa mga mata niya at mabilis na niyakap si Hilda.
Humagulgol siya sa balikat ni Hilda habang yakap na rin siya nito. Inilabas niya ang sakit na nasa puso niya. Hinayaan siya nito ng sa ganoon gumaan ang pakiramdam niya. Lumipas ang tatlong minuto, pakiramdam niya nabunutan ng kaunting tinik ang puso niya. Humiwalay siya sa pagkakayakap para harapin ito.
"Okay ka na?" tanong nito nuong pinunasan niya ang nagkalat na luha. "Kumusta ka, Maria?" Nagbaba ito ng paningin at itinaas ang palad saka hinimas ang tiyan niyang walang lamang bata.
Para siyang matutunaw dahil sa ginawa ni Hilda.
"Hilda! Hayup sila! Kinuha nila ang anak ko!" Hiyaw niya habang muling tumutulo ang luha niya. Nangatog ang mga tuhod niya at kaunti na lamang ay bibigay iyon kaya mabilis siyang kinapitan ni Hilda sa bewang para huwag siyang humandusay sa sahig. "Babawiin ko ang mga anak ko, Hilda! Magkukulong sila sa ginawa nila sa'kin! Kukuhanin ko ang totoong akin! Mga dem*nyo sila! Walang kasing hay*p!" hanggang sa hindi na niya nakayanan ang paninikip ng puso kaya nawalan siya ng malay sa palad ng kaibigan niya.
"JESSE..." pangalan niya ang unang narinig niyang tinawag ni Maria. Kaya nang imulat nito ang mga mata siya ang unang tumambad sa mga mata nito.
"Kumusta ka? Anong nararamdaman mo? Anong masakit sa'yo?" saka hinawi niya ang buhok nito dahil itsura nito'y parang pagod na pagod.
"Nasaan si Hilda?" Saka umakmang umupo kaya tinulungan niya ito.
"Nagugutom ka na ba?"
Diretsyong tumitingin ito sa kaniya. "Paanong nagkakilala kayo ng kaibigan ko? Sino kaba talaga? Bakit ayaw mo pang sabihin sa akin ang katotohanan? Bakit iniisa-isa mo pa 'ko! Sabihin muna kung sino ka!" sunod-sunod na tanong nito na parang walang bukas.
"Magpalakas ka muna at mag-uusap tayo, Carmen."
"Lalo akong nanghihina dahil kakaisip sa mga katanungan ko sa'yo."
"Mas lalong nag-alala ako dahil sa kalagayan mo."
"Sino kaba talaga, Jesse?"
"Sino ako?" ulit niya sa tanong ni Maria na naghihintay sa isasagot niya.
Mabilis na tumango ito.
"Matagal na kitang hinahanap. Matagal ko ng hinahagilap ang buong pilipinas kakahanap saiyo, Maria." pagsisimula niya habang tinawag niya ito sa tunay na pangalan nito.
Namilog ang mga mata nito sa gulat. "A-alam mo ang pangalan ko?" Tumango siya. "At bakit?! Anong dahilan? E, 'di ibig sabihin sinadya mo ang lahat? Please diretsyuhin mo na ako! Anong dahilan bakit mo ako hinahanap? Anong pakay mo sa'kin? At pagnahanap mo ako anong gagawin mo?" Halos itsurang hindi na ito makapaghintay sa mga aaminin niya dahil halos lahat ng bukang bibig nito ay puro katanungan.
"Siguro kung matagal na kitang nahanap hindi magiging ganyan ang buhay mo. Siguro kung matagal na kitang nahanap..." Hindi na niya naituloy dahil kung maaga niyang nahanap ito baka gumanda pa ang buhay nito habang siya naman ay nagmamahal lang.
"Naguguluhan na ako!"
"Dahil mahal kita Maria! Yun, 'yon! Yung totoo mahal na mahal kita tulad ng pagmamahal ng ama mo."
Nailing ito sa sinagot niya.
"Matagal ng patay ang ama ko! Huwag mo siyang babanggitin o ihahantulad sa lahat dahil para sa akin. Masama siyang tao! Wala din syang puso!" Madiin nitong bigkas.
"Ngayon sabihin mo sa'kin. Anong dahilan bukod sa mahal mo ako. Bakit kilala mo ako? Bakit matagal mo na akong hinahanap? Bakit pati ang walanghiya kong ama nabanggit mo?"
Tama nga ang ama nito. Nasusuklam si Maria sa kaniyang ama. Paano niya sasabihin ang tungkol sa nais na pagtulong ng ama nito? Pagnagkuwento siya about kay Don Diosdado tiyak tatangihan nito ang tulong niya.
Tumayo siya sa pagkakaupo. Ayaw niyang magsalita ng katotohanan na nakaupo at nakaharap kay Maria.
"Isa ako sa pinag-aral at pinalaki ng ama mo, Maria. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya at handa kong ibigay at gawin lahat ng ipag-uutos niya dahil siya ang nagsalba samin sa kahirapan. Sa tulong ng ama mo. Nakatapos ako ng pag -aaral hanggang kolehiyo at hanggang ngayon may sarili na akong trabaho, naandyan pa rin siya para kumustahin ako. Napakabait nya, Maria. Matanda na ang ama mo at hindi ko alam kung kelan tatagal ang buhay nya. Simula ng mabalo siya, nagsimula na siyang ipahanap ka at maging ang mga kapatid mo. Nasasabik kang makita ni Don Diosdado dahil gusto niyang humingi ng tawad sa inyo." at dahil nakatalikod siya, hindi niya nakikita ang sunod-sunod na pag-iling ni Maria. "Pero hindi ko inaasahan na ganito pala ang sitwasyon mo sa asawa mo."
"Hindi ko kailangan ang tulong mo o ng lalaking tumulong sa'yo!"
Mabilis siyang napaharap kay Maria sa sinabi nito.
"Kailangan mong tanggapin ang tulong ng ama mo o ako dahil kailangan mo ng kakampi Maria.""Pagpapaintindi niya sa galit na puso nito.
"Ayoko! Ayokong tanggapin ang tulong nyo lalong-lalo na galing sa lalaking 'yon! Gagawa ako ng paraan para makapaghiganti sa pamilya Alfonso hindi dahil sa tulong nyo!" Matigas na sabi ni Maria na tila ba walang makakabakli sa desisyon nito.