"ANONG NANGYAYARE?"
Nakiusap siya kay Jesse na pumunta sa bahay nila Nanay Susan niya. Gusto niyang malaman nasa mabuti siyang kalagayan.
Pumayag ito ngunit malayo pa lamang sila ay hindi na sila makapasok sa dami ng taong palisaw-lisaw sa daan. At dahil mag aalas kuwatro pa lamang ng hapon kitang -kita nila ang mga taong naglipasaw at nagtatakbuhan sa dadaanan nila.
Hindi nila mahulaan kung bakit halos ang mgael mukha ng mga taong dumadaan ay may matinding takot at pangamba. May naghihiyawan at nag-iiyakan sa takot ang naririnig niya sa may kalayuan.
"Siguro dito na lang natin iparada ang sasakyan. Hindi kayang pumasok dyan ang sasakyan ko at maraming taong dumadaan." tumango siya kay Jesse na may kahulugan.
"Bumaba na tayo." ani Maria na may halong kaba na hindi maipaliwanag. At dahil dikit dikit ang mga bahay pumayag na si Jesse.
Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan. Tumayo siya habang hinintay niyang makalabas din si Jesse. Pero segundo pa lamang siyang nakatayo ng may makasalubong siyang halos himatayin na sa takot ang mukha.
"Nanang!" Tawag niya sabay harang sa matandang babae.
"Anong kaguluhan dyan? Bakit tumatakbo ang mga tao at kayo?" hindi mapigilang tanong niya.
"Neneng ang bahay nila Susan nasusunog! At nasa loob sila ng bahay nila!" Saka nagsign of cross ang babae.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Hindi na nga niya namalayan ang pag-alis ng babae sa harapan niya.
Walang amok na nanakbo siya kaagad hindi na nga niya inaya si Jesse. Basta kumaripas siya ng takbo papunta sa bahay ng mag-ina.
Bumungad sa harapan niya ang malakas na apoy. Wala pang bombero kaya mabilis ang gapang ng mapupulang usok.
Akma niyang papasukin para iligtas sa loob ang mag-ina nang may mabilis na kamay ang pumigil sa baraso niya.
"Huwag! Malaki ang apoy!"
"Bitawan mo 'ko!" umiiyak na pagpupumiglas niya.
"Malakas ang apoy! Mapapahamak ka lang, Maria!" hiyaw ni Jesse na patuloy sa pagpigil sa baraso niya.
"Kaya ko pa silang iligtas! Makukuha ko pa sila." Hiyaw na pilit inaalis ang pagkakahawak ni Jesse.
"Maria, napakalakas ng apoy. At pagpinasok mo ang bahay na 'yan baka pati ikaw hindi na makalabas."
Naglalambot na huminto siyang magpaumiglas habang hawak parin siya ni Jesse. "Nanay Susan! Gigi!" Hiyaw niya sa mga pangalan ng mag-ina.
Kinabig siya ni Jesse patalikod sa malaking apoy. Niyakap siya nito ng mahigpit habang patuloy siyang humagulgol ng pag-iyak. "B-bakit?! Bakit hindi sila nakalabas?"
"Siguro, umalis na tayo dito at delikado ka. Baka may makakilala sa'yo dito." wika ni Jesse kay Maria na patuloy ang pag-iyak.
Kusang sumunod si Maria kay Jesse kahit maraming katanungan sa isipan niya. Pagkapasok ni Maria sa loob ng sasakyan. Nagpaalam sandali si Jesse sa kaniya.
"Dito ka lang at may bibilhin lang ako." ani Jesse at tumango naman siya hanggang sa nawala na sa paningin niya ito.
Nagtungo siya Jesse sa malapit at maliit na tindahan. Kailangan niyang makakuha ng impormasyon.
"Pabili nga po ng candy." saka inilagay ang bayad niya sa butas na maliit.
"Lahat na ba ito?" tanong ng tindera habang hawak ang isang daan pera.
"Oho." Tumalikod ang tindera at pagbalik dala na ang candy na binili niya.
"Anong meron ho dyan at bakit maraming taong nagsisitakbuhan?"
"May sunod sa likuran. Natatakot nga kami baka umabot dito dahil wala pang bombero na dumadating." sagot naman nito kaagad.
"Saan ho daw galing ang apoy?"
"Hindi ko alam amang. Pero may nakakita daw na may isang lalaki na umaaligid daw ilang araw na kila Nanang Susan. At iyon ang pinaghihinalaan. Ang masakit nasa loob ang mag-ina at hindi nakalabas dahil puyat sa pamamasura kahapon." kuwento nito at tumango ulit siya.
"Namukhaan po ba ang lakaki?" Imbes na sumagot ito, pinakatitigan siya ng babae. Mabuti na lamang at nakashade siya. "Pasensya na. Naawa kasi ako sa nasunugan." biglang sabi niya. Tumango ito at hindi na rin siya ulit nagtanong pa at saka tumalikod na siya.
Pagbalik niya ng sasakyan tahimik na umiiyak pa rin si Maria. Ngunit hindi na rin niya ito kinausap pa. Gusto niyang maging kalma ito bago siya nagsimulang magkwento. Nahuhulaan kasi niyang pamilya ng asawa nito ang may gawa sa sunog.
Naialis na niya ang sasakyan at tahimik na nakatingin siya sa daan habang nagmamaneho.
"Hindi ko alam, pero kinakabahan ako, Jesse." basag nito sa katahimikan nila. Tinapunan niya ito ng tingin at sandali lang din ay binawi na niya. "Huwag ko Lang malalaman na may kagagawan nito ang pamilya Alfonso!" gigil na sambit ni Maria.
"Sabi ng may tindahan hindi daw nila alam kung ano ang naging sanhi ng sunog."
"Wala na akong pakielam kung saan nanggaling at anong dahilan! Pero bakit hindi nakalabas sina Nanay Susan at Gigi sa loob?"
"Puyat daw ang mag-ina dahil kagagaling daw na mamasura. At sabi pa, may lalaki daw na ilang araw ng umaaligid sa bahay ng Nanay Susan mo. Ang pinaghihinalaan ay iyon." Hindi nakakibo si Maria sa sinabi ni Jesse. Tahimik itong lumuha sa tagiliran niya.
Hindi na siya nakapagpigil at inihinto niya ang sasakyan at inilagay sa gilid ng daan. Ramdam na naman niya ang matinding away kay Maria. At dahil mapuno at halos wala naman din dumadaan na sasakyan pinatay niya ang makina at hinarap si Maria.
"Tanggapin mo na ang tulong ko, namin ng ama mo. Dahil kailangan mo ang tulong namin lalo na sa mga anak mo. Kung ikaw ang kikilos na mag-isa at may nangyare saiyong masama. Pati ako hindi ko alam ang gagawin ko." Saka inabot ni Jesse ang kanang palad niya. Ramdam niyang pinisil pa nito iyon at hinayaan niyang gawin iyon. Pangit 'man tingnan pero parang gumagaan ang loob niya sa twing magsasalita ito. Hindi niya alam, at aminin 'man sa ilang araw niyang nakasama ito parang kilalang-kilala na niya ito kahit na ilang araw silang aso't pusa sa bahay nito. "Hayan mo akong maging anino mo, Maria. Hayaan mong maging kakampi mo ako sa lahat ng bagay." anito pa.
Hanggang sa naramdaman na lang niyang hinahaplos na nito ang pisngi niya habang siya'y nakatitig lamang sa diretsyo nakatitig nitong mga mata.
"Mahal kita, Maria, kahit alam kong imposibleng maniwala ka. Kaya kung may mangyare sa'yong masama na kasama ako baka hindi ko magpatawad ang sarili." hindi mapigilang sambit nito. Maging siya'y nabigla sa kinikilos niya dahil parang may sariling buhay ang katawan niya at natabunan na ang nasa isipan niya.
Nakarating sila ng bahay na parehong walang kibo. Ni isa, walang nagtangkang magsalita.
Sabay silang bumaba ng sasakyan nito. Nauuna itong naglalakad at habang siya'y nahuhuli. Wala na rin si Hilda sa bahay nito dahil bago sila umalis ay nagpaalam na rin itong uuwi na. Kinuwento rin ni Hilda, na hindi na ito nakatira sa dating bahay nito at nakabayad na rin ito ng pagkakautang sa pamilya ni Regina. Namumuhay na ang pamilya nito sa ibang lugar at sa tulong ni Jesse. May maliit na rin itong negosyo sa ganoon hindi na magtatrabho ang mga magulang nito. Bigla siyang napaisip.
Tanggapin na rin kaya niya ang alok nito? Bigla siyang umiling. Kung tatanggapin niya ang alok nito parang tinanggap na rin niya ang sariling ama. Matagal na niya itong iwinaksi sa utak niya simula ng itakwil sila nito sa harapan nila ng kaniyang ina at mga kapatid.
"Ina at kapatid?" Usal ng isipan niya ng maalala niya.
Mabilis siyang napatakbo sa loob ng bahay. Mabilis na hinagilap niya si Jesse.
"Jesse!" malakas na tawag niya kaagad sa binata saka hinagilap ito sa kuwarto. Kailangan niyang puntahan ang mga magulang niya dahil alam ni River kung saan ito nakatira. Lalo na at may banta ang ina ni River sa pamilya niya. Mabilis niyang kinatok ang pintuan at hindi na hinintay na pagbuksan siya ni Jesse kaya malakas na pinihit ang serendura. Nakatalikod ang binata na mabilis naman napaharap.
"Are you okay?" usal nito na biglang lumapit sa kaniya. Kitang-kita niya ang malaking pag alala sa mukha nito.
"Ang mga magulang ko, Jesse. Baka NASA kapahamakan sila! Kailangan ko silang puntahan ngayon din!" aniya na halos binabalot ng malakas na kaba.
Pinutol nito ang pagitan nilang dalawa.
"Huwag kang mag-alala dahil nasa pangangalaga na sila ng ama mo."
"To-toto ba ang sinasabi mo?" hindi makakaniwalang tanong niya.
Nagtaas balikat si Jesse at nagsalita din. "Para maniwala ka, puwede natin sila puntahan sa bahay ng ama mo. Naandoon sila at ligtas na ligtas sila."
"Posible!" Sabay malalaking iling ang pinakawalan niya. "Galit si Inay sa kaniya! Kaya malabong magpunta si Inay sa bahay niya at tanggapin ang tulong niya! Maging ang mga kapatid ko galit sa kaniya! Gusto mo lang akong pumunta sa bahay ng lalaking iyon! Pero never mo akong mapapaapak doon, Jesse! Magpantay na ang mga paa ko. Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya sakin!" malaking giit niya.
"Believe me, Maria. Okay na ang mga magulang mo at tanggap na ang ama mo nila Melita at Carla. Kaya subukan mo rin magpatawad"
"Ayoko! Huwag mo akong pilitin dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko!" Hiyaw na niya.
"Yes." Saka tumango ito. "Hindi ako, dahil ako tinulungan ng ama mo at itinuring na isang anak. Pero nagsisisi na ang ama mo. Alam ko ang kuwento ng buhay mo, Maria. Isantabi na natin ang lahat dahil hindi lang ang ama mo ang may problema, dahil pati ikaw."
"Subukan mong magpatawad para mabilis kang makapag-isip ng tama at nang mabawasan din yung problema mo." napatahimik siya. Totoo naman ang sinabi nito. Punong-puno ng problema ang puso niya at kaunti na lang aapaw na 'yun.
Hindi na niya namalayang gagalubid na lang ang agawat nilang dalawa dahil mga mata nila ang nag-uusap ni Jesse. At dahil matangkad si Jesse nakataas ang ulo niyang nakatingin sa binata.
Nakita niyang gumalaw ang ulo nito na hindi man lang siya gumalaw bgakus parang naghihintay pa siya sa susunod nitong hakbang at namalayan na lang niyang nakalapat na ang labi nito sa labi niya. Hindi niya mabasa ang sarili. Nawawala na siya sa tamang pag-iisip dahil wala siyang tanggi ng ibuka nito ang labi at nakisabay din ang bibig niya kasabay ng pagpikit ng dalawang mata niya. Alam niyang sabik siya sa pagmamahal. Sa tunay na pagmamahal...na para bang si Jesse ang magbibigay ngunit...may -asawa siya!
Mabilis niya itong itinulak palayo sa kaniya.
"Sorry." hirap na usal nito, "Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko."
"Inaantok na ako." mabilis na paalam niya kay Jesse habang baba taas ang dibdib nitong nakatingin sa kaniya.