"BAKIT LAGING NAKAPATAY Ang cellphone mo? Birthday ni Mommy bukas. Makakapunta kaba?" bungad na text ni Chin sa cellphone ni Jesse.
Hindi siya makatulog dahil iniisip niya si Maria, kaya binuksan niya ang cellphone at tiningnan kung may mga message ba. Naalala din niyang kinabukasan ang kaarawan ng ina nito. Kaya biglang may naisip siyang plano. Mabilis na dinayal ni Jesse ang numero ni Chin. Mabilis naman itong sumagot sa tawag niya.
"Bakit ngayon ka lang tumawag? Ilan araw na off ang cellphone mo pati mga text ko hindi mo sinasagot." bungad nito.
"Pasensya ka na masyado akong busy, Chin. Kumusta kana? Galing kana ba?"
"Oo, okay na ako. Bukas pupunta ka ba dito?" Malambing na tanong nito.
"Oo naman! Kaya magpahinga kana at gabi na. Goodnight."
"Goodnight. I love you." Lagi ganoon ang ending ng usapan nila ni Chin. Kahit pilitin niya. Hindi niya talaga kayang mahalin ito. Nanaig pa rin talaga ang pagmamahal niya kay Maria.
"Goodnight and sweet dreams." at saka pinatayan ng linya ang dalaga.
Sinipat niya ang orasan. Mag a alas nuwebe na ng gabi. Tumayo siya sa pagkakahiga at lumabas siya ng kuwarto. Nakita niyang nakasarado na ang kuwarto ni Maria. Gusto niya itong silipin ngunit pinigilan niya ang sarili. Nagtungo na lamang siya ng kusina at dahil hindi siya makatulog magtitimpla na lamang siya ng kape at saka manonood ng drama. Mabilis siyang nakapagtimpla at mabilis din na nagtungo ng sala bitbit ang isang tasa. Umupo siya sa sopa saka inabot niya ang remote control at pinindot iyon. Bumungad sa harapan niya ang mainit na bed scene sa pelikula. Malamig ang aircon ngunit pakiramdam niyang nag-aapoy ang buong katawan niya. Muling sumagi sa isipan niya ang labi ni Maria. Kung gaano 'yun kalambot.
"Sh*t! Mura niya sa sarili." nahihirapan siyang magpigil sa sarili kaya madiin niyang pinindot ang remote control. Namatay iyon at saka padabog na tumayo siya at nagtungo ulit na lang ng kuwarto niya. Kung ipagpapatuloy niya ang panonood baka hindi niya mapigilang puntahan ito sa kuwarto.
ISANG MALAKAS na ring ang gumising kay Jesse. Dahan niyang dinampot ang cellphone na nasa tagiliran niya. Ang numero ni Chin ang nasal kabilang linya. Inignora niya iyon at sinipat na lamang niya kung anong oras na at nagulat siya ng makitang mag a alauna na ng tanghali. Napasarap ang tulog niya dahil halos mag-uumaga na ng sya'y makatulog. Bumangon sya at biglang naalala niya si Maria. Mabilis siyang lumabas ng kuwarto at inabutan niyang nakaupo ito sa kusina.
"Good mo—good afternoon!" Bati niya sa nakatalikod na si Maria.
Lumingon kaagad ito sa likura nito. "Magandang tanghali din."
"Pasensya na Maria, tinanghali ako ng gising."
"Okay lang."maikling sagot nito na iniiwas ang paningin.
"Wow! Gising kana pala Sir Jesse." ani Hilda na biglang sumulpot sa harapan nila.
Tinawagan niya ito kagabi. Nakiusap siya na ito muna ang makakasama ni Maria dahil birthday ng ina ni Chin. Kailangan niyang umattend para makabalita siya tungkol kay River at sa pamilya nito. Lalo na at nabalitaan niyang lalaban ng Gobernador ang asawa ni Maria.
"Maria, maiwan muna kita at kayo na muna ni Hilda ang magkasama. Babalik din ako mamayang gabi." Paalam niya.
"Hindi mo naman kailangan magpaalam, Jesse." Hindi pa rin ito tumitingin sa kaniya. Halatadong iniiwas ang mga mata.
Tumango siya kahit alam niyang hindi nito nakita. Maya't tumalikod na siya sa dalawang babae.
"ANG GWAPO nya ni Sir Jesse, 'di ba?" may halong kilig ng magsalita si Hilda kay Maria.
Mabilis na napabaling tingin si Maria sa sinabi ni Hilda. Mabuti na lang nakatalikod na si Jesse at tiyak niyang hindi iyon narinig ng binata.
"Alam mo bang binata pa 'yan?" dagdag pa nito.
Iniiba niya ang daloy ng usapan nila ni Hilda. Nahihiya din siyang magkuwento tungkol sa nangyare sa kanila ni Jesse kagabi. Pangit pa rin isipin na kamuntikanan na siyang bumigay sa halika ng binata lalo na at may asawa siya.
"Hindi pa rin ako makapaniwalang nagkakilla kayo." sagot niya.
"Ang suwerte ng mapapangasawa niya. Bukod sa mabait na, matulungin pa." Tumango siya.
"Hilda..." matamlay niyang tawag sa kaibigan. Mabilis naman itong napatingin sa kaniya.
"Kung ikaw ang nasa kalagayan ko. Mapapatawad mo ba ang ama mo?" bukod sa pagbalik sa kaniya ni Jesse kagabi. Paulit-ulit din sumasagi sa isipan niya ang tungkol sa ama niya.
"Mahirap kasing sagutin 'yang tanong mo, Maria. Pero kung gusto mong marinig ang magiging sagot ko. Syempre, oo! Dyos nga nagpapatawad. Tayo pa kayang tao. Tandaan mo. Wala ka sa mundo kung hindi dahil sa magulang mo."
"Kahit harapan mong itinakwil ka?"
"Maria, bawasan mo naman ang problema mo. Kotang-kota ka na! Sa asawa, anak, pati ba naman ang magpatawad idadagdag mo pa. Isipin mo na lang, bumabawi ang ama mo sa mga kasalanan na nagawa niya."
Matagal siyang nakasagot sa sinabi ni Hilda.
"Ang isipin mo ngayon kung paano mo makukuha ang mga anak mo. Paano ka makakaganti sa pamilyang Alfonso? Napaka swerte mo pa rin dahil napakalaki ng problema mo pero biglang sumulpot ang ama mo at handa kang tulungan. Ang sabi ni Sir Jesse. Napakayaman daw ng ama mo at walang panalo sa yaman nyo ang pamilya ng asawa mo. Kaya mag-isip ka ng mabuti Maria dahil anytime puwede kang makaganti sa kanila once na pinatawad mo ang ama mo. Pagnakuha mo 'yung mga anak mo. Magsimula ka ulit kasama ang pamilya mo. Bigyan mo kaagad ng divorce paper ang lalaking 'yun. Tapos si byenan mo. Ipakulong mo pati si River at Regina. Sila ang dahilan kung bakit ka nangungulila sa mga anak mo. Huwag maging matigas ang puso dahil dyan mahihirapan kang mag-isip at gumalaw." Mahabang sabi nito. Parang kinalahig ang utak at isipan niya.
"Ano kayang itsura ng anak ko?" saka biglang napaluha siya sa katanungan niya. "Hindi ko 'man lang siya nayakap at nakita."
"Ito na siguro ang daan para magpatawad ka. Bakit Hindi mo hayaan ang sarili mo na harapin mo ang tatay mo?"
"Hilda, parang ang hirap."
"Anong mas mahirap? Ang tanggapin ang alok nitong tulong o ang tanggapin na hindi mo na makikita ang anak mo? Tandaan mo hindi mo kayang mag-isa, Maria."
Wala siyang maisagot dahil tama ang sinabi nito.
"Magpatawad ka para sa ikagagaan din ng loob mo. Para rin makapag-umpisa ka na. Tutal napatawad na rin ng ina mo ang ama mo. Pati mga kapatid mo napatawad na rin nila. At ikaw na lang ang hinihintay niya."
"Nakita mo na ba siya, Hilda?" umiling ito.
"Hindi pa. Pero ang sabi ni Sir Jesse kamukha mo daw ange ama mo."
Pagak na nangiti siya dahil naalala niya nuong una niyang kita sa ama dahil parang nakita niya ang sarili sa mukha nito.
"Nabanggit na ba sa'yo ni Sir Jesse na kaibigan niya ang isa sa kapatid ni Regina?" Nagbago ang itsura ng mukha niya.