MALALIM ANG INIISIP ni Maria habang nakaupo siya sa harapan ng mesa ng umagang iyon. Maaga siyang nagising at mag-uumaga na rin siyang nakatulog. Mag a alas otso na rin ng gabi ng umuwi si Hilda. Naramdaman din niya ang paglangitngit ng pintuan ni Jesse, hudyat na dumating na rin ito. Pero siya, buhay na buhay ang diwa niya dahil sa mga iniisip.
Inabot niya ang tinimplang kape at saka mabilis na hinigop. MlNakakatulong iyon para gumaan ang loob niya.
"Good morning." bati ni Jesse sa likuran niya.
Nilingon naman niya ito at binawi rin kaagad. Narinig niya ang yapak nitong papunta sa kinaroroonan niya. Ngunit hindi pa 'man ito nakakaupo nagsalita na siya.
"Gusto kong mabawi ang anak ko." walang ngiting sabi niya sa binata. Pinag-isipan niyang mabuti ang malaking pasya na 'yon. Mas mahalaga pa rin sa kaniya ang mga anak kesa sa matinding galit niya sa ama.
"Handa ka na bang makita ang ama mo?" ani Jesse na ginagawang magtimpla ng kape sa likuran niya.
Matagal siyang nakakibo. "Siguro." Matamlay naman niyang sagot.
Naglakad si Jesse dala ang isang tasang kape. Naupo ito sa harapan niya.
"Kailan mo gustong mag-umpisa?"
"Bakit kilala mo ang pamilya ni Regina?" hindi mapigilang tanong niya sa binata. Isa rin iyon sa bumabagabag sa isipan niya kagabi. "Sino sa kapatid ni Regina ang kaibigan mo?" dagdag pa niya kahit na ba naikwento na ni Hilda ang tungkol doon. Naging interesado siya kay Chin matapos sabihin ni Hilda na bunsong anak ito.
Hinigop muna nito ang kapeng hawak.
"Girlfriend mo ba sya?" hindi niya alam pero iyon ang lumabas sa bibig niya.
Hindi nakaligtas ang pigil na ngiti sa mukha ng binata ng makita niya ito. Hindi tuloy maiwasang mamula siya. Baka ang akala nito ay nagseselos siya. Pero bakit nga ba niya iyon naitanong?
Ibinaba ni Jesse ang tasa bago magsalita.
"Chin is my old freind. Sa totoo lang mabait sya. Kaya nung nalaman kong malaki ang ugnayan niya kay Regina mas lalo akong lumapit sa kaniya. Not because I love her. Because I need her. Wala kaming relasyon at isa lang ang babaeng mahal ko." At pinasadahan siya nito ng nakakatunaw na tingin.
Mabilis siyang umiwas sa mainit na tingin nito.
"Alam mo bang ikakasal na si River at Regina this coming week?"
Bumalatay sa mukha ni Maria ang galit.
"At alam mo bang alam ng lahat ay patay ka na?"
"Mga baliw sila!" Madiin na bigkas niya saka napayukom ang mga palad niya na nasa lamesa.
"Paano kung malaman na magkakilala tayo?"
"Nevermind, dahil hindi naman close si Regina kay Chin." anito na tila handang mawala ang ibang tao para sa kaniya.
"Kahit na! Kahit baliktarin, magkapatid pa rin sila. In the end, sila pa rin ang matutulugan."
"You are right Maria." Saka humigop ulit ito ng kape.
Katahimikan ang namagitan sa kanila ni Jesse. Pansin din niyang tinatapunan siya nito ng tingin pero hindi siya diretsyong makatingin sa binata na 'di dati nuon. Ewan ba niya! Nahihiya na siya sa lalaki simula ng hayaan niyang halikan siya nito.
"Oo nga pala. May malaking event na gaganapin next month. At isa sa property ng ama mo ang kasali. Anong balak mo?" Basag nito sa pannahimik niya.
Mabilis siyang napatingin sa binata ngunit inagaw ulit.
"Anong property 'yun?" tanong na lamang niya na iwas pa rin ang paningin.
"Ang Diosdado Hospital." doon nakuha niyang tumingin kay Jesse. Tingin na may halong pagtatanong. "Yes! Ang hospital na iyon ay pag-aari ng ama mo dito sa Bataan. Usually marami siyang property Maria. At isa 'yan sa mga mananahin nyo na inaasikaso ko." Napalunok laway siya sa yaman ng kaniyang ama.
"Ang Diosdado Hospital maraming tinutulungan 'yan. Lalo na ang mahihirap at kapos palad. At dahil matatapos na ang termino ni Governor H. Alfonso ang ama ni River, nagpatawag ito sa bayan ng isang malaking kasiyahan. Syempre nangunguna ang ama mo na nabigyan ng imbitasyon." mahabang kuwento nito.
Humugot siya ng mahabang paghinga habang napabaling ang paningin sa bintana.
"Handa ka na ba, Ms. Carmen Cortez?" Biglang napako ulit ang paningin niya kay Jesse dahil sa ibang pangalan na pagtawag nito sa kaniya. Bigla siyang nagka ideyang palitan ang Maria Sevilla at mabuting gamitin niya ang apelyedo ng kaniyang ama.
Walang kibong tumango siya bilang pagpayag niya.
"Alam na ba ng ama ko na magkasama tayo?"
Tumayo at tumalikod ito. Matagal itong sa ganoon na pustura.
"Kung alam niyang naand—."
"No!" Agaw nito sa pananalita niya. "Wala siyang alam tungkol dito." Kahit hindi niya ito nakikita. Alam niyang seryoso ang mukha nito.
Gusto niyang malaman pero ayaw niyang magtanong dahil alam na niya ang isasagot nito. Nakita na lamang niyang humahakbang na ito palayo sa kaniya.
Mabait si Jesse. May itsura at matulungin ito. Napansin din niyang napakasweet nitong tao. Hindi lang talaga nito mailabas ang totoong ugali dahil iniiwas niya ang sarili. Kahit hindi pa niya nakikita ang mga kababaihan. Tiyak ang tulad ni Jesse ay pinapantasyan ng iba.
NAPAG-USAPAN nila ni Jesse na ngayon araw aalis sila. Mamimili sila lahat ng importanteng bagay. Dalawang buwan na rin ang nakalipas at nakatapos na rin siya sa pagsasanay. Pagsasanay kung paano kumilos at manalita ng maayos. Kasama iyon sa plano niya bilang isang Carmen Cortez. Ngunit pangalan lang ang binago niya at hindi ang kaniyang mukha. Gusto pa rin niyang ipakita sa pamilya Alfonso kung sino siya. Ang tunay na itsura mas nakakagimbal.
"Are you ready?" tanong sa kaniya ni Jesse nang makita siyang nakatayo sa sala na naghihintay.
Kahit dalawang buwan na sila nitong magkasama naiilang pa rin siya sa binata. Panatag ang loob niya ngunit ayaw niyang masanay na laging nasa tabi niya ito. Kahit na ba lahat ng galaw nito ay may kahulugan. Inayos niya ang sling bag na nakapatong sa balikat niya. Simpleng white t-shirt at pants lang ang suot niya. At kahit ba nakadalawa na siyang anak maganda pa rin siyang manamit lalo na at may maganda naman siyang katawan. Aminadong napagkakamalan pa rin siyang dalaga lalo na pagpumunta sila ng mall ng binata. Minsan pa nga may lalaking lumapit sa kaniya at nagpakilala. Mabilis naman siyang binakudan ni Jesse na tila ba isang pag-aari nito siya.
Dalawang oras at kalahati ang naging byahe nila. Bibili sila ng maisusuot niya bukas sa gaganapin na event. Pero bago iyon, handa na rin siyang makipagkita ngayong gabi sa ama niya. Namiss na rin kasi niya ang ina niya at mga kapatid. Gusto niyang soprasahin ang mga ito—maging ang ama.
Nasa damit ang atensyon nya ng biglang may tumayo sa harapan niya.
"Ikaw ba 'yan, Maria?" napataas ulo siya.
"Kaye?" saka mabilis niyang niyakap ang kaibigan. Sobrang namiss niya ito.
"Buhay ka?" namimilog matang ulas nito. Ba-bakit naandito ka sa Tarlac?" Naguguluhan na tanong nito.
Hindi sapat ang pagkikita nila kung sa mall lang sila nito mag-uusap. Niyakag niya itong kumain muna sa pinakamalapit na restoran para makapag-usap sila nito ng masinsinan.
Nang makahanp sila ng pupwestuhan ni Kaye. Nakiusap siya kay Jesse na iwan muna sila ni Kaye. Pumayag naman ito sa pakiusap niya.
"Ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang hinihimas nito ang baraso at palad niya kahit na ba ilang ulit siyang tumatango. Sandali at parang nagising ito kaya malakas na kinabig siya nito payakap. Mahigpit itong yumakap sa kaniya. Minuto ang lumipas bago siya nito binitawan. "Ang akala ko patay ka na dahil iyon ang sabi ni River." saka pinunasan ang luha sa pisngi nito ng magsalita.
Agarang bumalatay sa mukha niya ang galit. "Gaganti ako sa ginawa nila Kaye. Pinaglaruan nila ako habang nasa mansion ako. Pinaniwala ako ni River sa lahat ng pangako niya. Ginawa nila akong laruan!"
"Hindi ba't kapapanganak mo lang? Paanong sinabi ni River na patay ka na? Saka sino 'yung lalaking kausap mo kanina?" sunod-sunod nitong tanong.
Tumango siya. "Oo na dapat na ngayon pa lang. Dahil sapilitan nilang kinuha ang anak ko. Pinagkalat nila na patay na ako dahil may babae si River! Pinagkalat nila na patay na ako para magawa nila ang lahat! Mga baboy sila na habang nasa bahay pa ako ginagawa na nila ang panloloko sa 'kin."
"F*CK Maria! Matagal ko ng sinasabi sa'yo nuon na hiwalayan mo na 'yan! Ang daming pagtitiis na ginawa mo sa pamilyang 'yan. Sa una pa lang talaga Maria nakikita ko nuon na hindi marunong tumayo sa sariling paa ang River na 'yan! Nakakabwisit! Napaniwala niya akong patay ka na dahil ang sabi niya namatay ka daw sa panganganak."
"Kinuha nila lahat sa'kin! Mga anak ko at dangal ko. Humanda sila dahil kukuhanin ko ang para sa'kin. Silang lahat pababagsakin ko Kaye. Kung kaya papatayin KO din sila!" Nanggigil na bigkas niya.
"Teka... Ngayon alam nang lahat na patay ka na. Anong gagawin mo? Alam na ba ni Untie 'to—ng mga kapatid mo?"
"Hintayin nila ako dahil mamatay sila sa takot." Makahulugang sambit niya.
Sandali at lumingon ito sa kanilang likuran na tila ba may hinahanap. "Sino ba 'yung lalaking kausap mo kanina? Gwapo, uh!"
"Si Jesse 'yun."
"Jowa mo?"
"Hindi, uh! Siya ang tutulong sa'kin para makapaghiganti ako kay River."
"Saan mo naman nakilala 'yun?"
"Isa si Jesse sa pinag-aral at pinalaki ng ama ko, Kaye." Lalong naguluhan ito sa kuwento niya dahil nabanggit na niya kay ang tungkol sa buhay niya nuon.
"Teka... Teka... Ang ama mo?"
Tumango siya.
"Hindi ba't, itinakwil na kayo no'n dahil sa mana?"Muling tumango siya.
"So, pinahanap niya kayo? Ganoon ba?"
Tumango ulit siya.
"At siya ngayon ang tutulong sa'yo kasama 'yang lalaki na 'yun?" .
"Oo, Kaye. Ngayon ko nalamang sobrang yaman pala ng ama ko. Sa una ayaw kong tanggapin 'yung alok niyang tulong pero... paano ko mabavawi ang mga anak ko kung magiging mapride ako? Ito na rin siguro ang daan para magkaayos kami. Hindi dahil kailangan ko sya. Dahil punong-puno na ang puso ko sa problema, Kaye at kailngan ko ng bawasan."
"Tama ka naman...Kahit baliktarin mo ang mundo. Magulang mo pa rin iyon at hindi magbabago. Kung pinapakita naman niyang nagsisisi siya sa mga ginawa niya. Why not na patawarin mo sya. Nagkita na ba kayo?"
"Sa dalawang buwan na mahigit, ngayon pa lang kami magkikita. Pero sa totoo lang Kaye, nahirapan din ako sa mga desisyon ko. Pero mas mahirap pala kung kikimkimin ko ang galit sa puso ko para sa kaniya."
"Dito kaba nakatira sa Tarlac?" balik tanong nito.
"Bataan pa rin. Kailangan ko lang lumayo para sa pamimili dahil ayokong may makakita sa akin. Kailangan walang makakita sa akin na kakilala ako. Gusto kong magulat sila sa pagbabalik ko. Ikaw, bakit naandito ka?" Siya naman ang nagtanong.
"Tour ng inaanak mo dito sa San Miguel. Naisipan ko na rin magmall bago umuwi."
"Paalam na Kaye. Makikipagkita ulit ako sa'yo pag may magandang balita na ako. Papasyalan kita sa bahay nyo pag okay na ang lahat. Sa ngayon kailangan ko pang magtago." Hinawakan siya nito sa magkabilang palad.
"Ipapanalangin ko na sana makuha mo ang mga anak mo, Maria. Sobrang saya ko dahil buhay ka. At alam ko makukuha mo ang hustisya."
Hindi na sya nakapagpigil niyakap nito ito ng mahigpit at agarang namuo ang luha at bumagsak iyon. Sobrang na miss niya ito dahil nuong panahon na may problema siya Ito ang takbuhan niya.
"Mag-iingat ka Kaye dahil lahat, kaya nilang gawin." Babala niya ng mabilis na maalala ang mag-inang nasunog.
Kumalas ito saka nagsalita sa harapan niya.
"Isa ako sa pinakamasaya pag naabot mo 'yung gusto mo. Hindi ito ang huli nating pagkikita. At pagnagkita tayo ulit, tiyak bitbit mo na ang mga anak mo." Doon napahagulgol siya ng iyak.