AT DAHIL HAPON na rin. Mabilis na kumilos si Maria para gumayak. Hindi niya ipakikitang may takot siyang nakakapa sa sarili. Usapang anak ang nakasalalay doon at hindi siya puwedeng paghinaan ng loob. Pinaalam niya sa kaniyang ama ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang byenan at ang nais nito. Ayaw niyang ilihim iyon sa ama lalo na't ito ang alam niyang makakatulong sa kaniya. Pagkatapos niyang gumayak nagrelax siya ng ilang oras ngunit hindi rin mapalagay. Hindi siya puwedeng balutin ang nerbyos o takot. Kung may oras pa nga ay balak din niyang matulog para fresh ang utak niya ngunit magagahol naman siya sa oras kung iidlip pa siya sa mga oras na iyon. Habang naghihintay siya at nag-iisip, naupo siya sa malaking sala. Hindi nga niya namalayan ang paglapit ng kaniyang ama. "Sigurado ka ba