UBOD LAKAS na itinulak ni Maria si Jesse dahilan para mapabitaw ito sa kaniya. Mabilis siyang tumalikod, nanginginig ang buong laman niya. Mabilis niyang inayos ang kasuotan maging ang short na nagpaling-paling sa pagkakasuot sa kaniya. Mabilis na tumayo si Jesse at akmang lalapit ngunit walang imik na tumakbo siya papasok sa loob ng tent. Namumuo ang luha ngunit mabilis niyang pinahid iyon. At paglabas niya ay suot na niya ang dating suot at bitbit ang bag. "Sorry Maria." taas babang dibdib nitong paghingi ng pasensya ng harangin siya nito. Iniwasan niya ito pati ng mga magkabilang mga mata nito kaya hindi siya makatingin. Naluluha na naman siya kaya hindi na rin siya kumibo. Gusto niya ng katahimikan sa pagitan nila ni Jesse. Gulong-gulo siya! "Saan ka pupunta?" tanong nito na mabi