"ITO PALA ANG gusto mo." Napalingon si Maria sa kaniyang likuran nang marinig niya ang boses ng ina ni River. Nasa ilalim siya ng puno at nagkukubli din sa kaniya ang isang puno sa ganoon walang makapansin sa kaniya habang naliligo sa swimming pool at pinapanood niya si Zia na naglalaro kasama ang yaya nito. Ngayon lang niya nakita ang nag-aalaga sa anak niya kaya nasisiguro niyang bagong pasok lamang ito. Sinubukan niya itong lapitan at kausapin kanina habang nag-iisa itong naglalaro ngunit bigo siya dahil nanakbo ito palayo sa kaniya na animoy isa siyang estranghero sa bata. Sinundan na lamang niya ito ng tingin palayo sa kaniya. At nang makita niyang naliligo na ito at kasama ang nag-aalaga ay mabilis niyang pinuntahan. "Kaya ka hindi nakipagkita sa'kin dahil gusto mo sa bahay ko ta