LAKING GULAT ni Jesse ng tawagan siya ni Don Diosdado at ipaalam na hindi uuwi si Maria. At sa madaling salita nagpumilit itong doon magpaumaga sa bahay ng mga Alfonso. Labag sa kalooban ng ama nito ay wala itong nagawa. Habang pinapakinggan niya ang sinasabi ng ama ni Maria tila ba may bubuyog na bumubulong. Halos hindi na rin niya maintindihan ang sinasabi ng matanda. "Magulang po kayo at dapat kayo ang masusunod, Tito." pagpupumilit niya sa kausap. "Mag-aaway lang kami ni Maria kung pipilitin ko ito sa gusto nito Hijo. Kung maaari ayaw kong abutin sya ng bukang araw doon. Panigurado hindi ako makakatulog nito lalo na naandoon si Adela." "Ano po ba naisip no'n at bakit doon magpapaumaga?" aniya na marami nang pumapasok sa isipan niya. Nagsisimula ng gumana ang mga imahinasyon nya.