MATAPOS MABAWI ni Maria ang pagkakahawak ni River sa baraso niya. Sinadyang idinikit niya ang katawan sa asawa. Iniliyad pa niya ang malulusog na dibdib sa harapan nito na alam niyang hindi nito kayang iwasan dahil dalawa lamang silang nakatayo doon. Kitang-kita niya ang sunod-sunod na paglunok ng laway ni River sa na animoy gutom na gutom sa pagkain naka- alay sa harapan nito. Itinaas niya ang palad habang napatingala sa asawa dahil may napansin siyang mga matang nakatanaw sa 'di kalayuan. Kahit buhok lamang nito ay kilalang-kilala niya at sasamantalin niya ang mga oras na 'yun. Sinamantala niya ang nakikitang karupukan ni River, gumalaw ang palad niya at dumikit iyon sa labi nito. Hinaplos niya ang labi nito at inilapit ang labi sa labi nito, "Tingnan natin kung si Maria pa rin ba ako ng