"BAKIT MO pa ako sinundo?" tanong ni Maria habang lulan siya ng sasakyan ni River. Nagulat si Maria ng tumawag ang guard at sinabing may bisita sa labas ng bahay nila. At nang makita niya ang kamera, laking gulat niya kung sino ang nakatayo sa harapan ng sasakyan. Dagli siyang tumalikod para puntahan si River sa harapan ng gate dahil ayaw niyang makita ito ng kaniyang ama, ngunit kung gaano siya kabilis ay mas mabilis pa pala ang ama niya sa kaniya. Nagulat siya ng iharang nito sa pintuan ang dala nitong tungkod kaya napatayo siya ng mabuti dahil sa matinding gulat. "Ama!" "Hindi ka lalabas para puntahan ang lalaking 'yon!" matigas nitong sabi. "May gana pa siyang pumunta dito para makipagkita sa'yo?" hindi maitago sa boses ang matinding galit. "Hija, buksan mo nga ang utak mo! Sila