GUMAGAYAK si Maria para ipamili ng mga ibang gamit na kailangan ni Nori sa pang-araw araw na gamit nito. Tinatamad siya ngunit kailangan niyang lumabas dahil maging ang ibang gamit niya ay ubos na rin. Nagsuot lamang siya ng simpleng bestida na hindi aabot hanggang tuhod. Isang simpleng bag din ang gamit niya. Pero nang papalabas na siya ng pintuan ng bahay nang marinig niyang magriring ang telephone niya. Huminto muna siya at tiningnan iyon. Bahagya pang gumalaw ang ulo niya dahil nagtataka siya kung sino ang nasa kabilang linya dahil hindi ito nakasave sa phone book ng tawagan niya. Bago pa 'man gumana ang isipan niya kung sasagutin ba iyon, tila ba may buhay ang daliri niya ng sagutin iyon. "How are you, Maria?" bungad ng nasa kabilang linya na mabilis naman niyang nakilala ang may-ari