KABANATA 18: PINAUWI KO NA MUNA SI LEIA AT NOMI sa kani-kanilang bahay. Ang totoo, halos ayaw ko nang pauwiin si Nomi dahil wala siyang ligtas sa bahay nila. Dalawa ang kapahamakang pwede niyang maranasan sa loob ng mansyon nila. Una, ay ang bigla na naman siyang pasukin ng engkantong 'yon sa kwarto niya at pangalawa, ang panganib na kung ano-anong masasakit na salita na naman ang sasabihin sa kaniya ng mga magulang niya. Parang mas mapanganib pa nga 'yong pangalawa. Mas masasaktan pa siya kung sa mismong kadugo niya. Kung minsan mas okay na talagang makatikim ng masakit na salita mula sa ibang tao kaysa sa mismong kamag-anak mo. Pinilit kong matulog nang gabing 'yon kahit na naglalakbay iyong isip ko sa mga posibilidad na mangyari. Bago kami matulog, naglagay kami ni Mama ng proteksyon

