KABANATA 19: "AJAX, ITO NGA PALA SI NIX. Nix, ito si Ajax iyong sinasabi ko sa 'yong albularyong kailangan ng tulong." Tumango si Nix habang nakatingin sa akin gamit ang namumungay na mga mata. Nang maglahad siya ng kamay, parang ayaw ko pang tanggapin dahil natatakot ako sa paraan kung paano siya tumingin. Para kasing adik. Namumula ang ilalim ng mga mata at namumungay! Pero dahil hindi naman ako bastos, tinanggap ko 'yon at nakipag-shake hands. Malamig ang kamay niya, para akong humawak ng bangkay! Punyemas, sigurado ba si Leia rito at baka bigla kaming tokhangin habang nasa astral realm ako! "Nice to meet you, p're." Nakipagkamay siya sa akin habang ako naman ay kinakabahang inalog din ang kamay niya. "Nice to meet you rin," kabadong sagot ko. Pare-pareho kaming natahimik, para ba

