EPILOGO: BUONG AKALA KO, AYOS NA ANG LAHAT. Pero sabi nga nila, kung minsan akala mo okay na, may mga problemang dumarating nang hindi inaasahan. At ang masaklap pa, dumarating ang problemang 'yon kung kailan hindi mo alam kung ano ang solusyon. Kasi nga, hindi mo inasahang mangyayari. Ang mas pinakamasaklap sa lahat, hindi ka naghanda, kasi masyado kang naging kampante. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata para lang makita ang madilim na katotohanang nakagapos na naman ako sa malaking puno sa kaharian ng mga engkanto. Umaalingawngaw sa tenga ko ang palahaw ng mga taong nakagapos din gaya ko. Napapikit ako nang mariin. Gusto ko rin sanang gumaya sa kanila, makisigaw at magbakasakaling may makaririnig sa akin. Pero puta, kung sila nga walang nakarinig sa kanila, sa akin pa kaya? I
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


