KABANATA 29: UMAWANG ANG LABI KO at halos mabingi ng dahil sa lakas ng pagkabog ng puso ko. Hindi ako halos makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Napakaraming tao ang nakagapos sa punong ito! "Natural na mahilig pala talagang mangialam ang angkan ninyo. Alam mo bang nangialam din sa amin noon ang Lola mo? Ilang salin-lahi n'yo pa ba ang makikialam?" Nang muli kong ibaling ang tingin ko sa engkantong nakausap ko kanina, naroon na iyong engkantong kumuha kay Nomi. Nakangisi siya sa akin habang nakabalat-kayo. "Hindi kami makikialam kung walang masasamang damong gaya mo," mariing sagot ko. Napailing siya. "At sa tingin mo, mababawi mo talaga si Noella?" Dumukot ako sa aking bulsa. "Kaya kong bawiin sa 'yo si Noella." Inilabas ko mula sa aking likuran ang isang itak. Ito pa iyong itak na

