KABANATA 28: KAHIT WALA RIN NAMAN PALANG ALAM itong si Nix tungkol sa kung ano ang mga makakasalubong namin dito sa loob ng astral realm, nagpasalamat na lang din ako na may kasama ako rito. Madilim, malamig at nakakatakot ang parteng ito ng astral plain. Mabuti na lang at pinasunod siya ni Leia, nagkaro'n ako ng lakas ng loob. S'yempre kailangan kong tapangan para hindi ako masabihan na bakla. Hindi naman ako ganoon katakot sa mga nakikita ko, nakakatakot lang talaga ang mga mukha nila. . . anong pinagkaiba no'n? Nakalampas kami sa tumpok ng mga ligaw na kaluluwa. Humalo kami sa kanila at hindi naman din nila napansin dahil hindi naman nila kami nakikita. Isa sa mga katangian ng kaluluwa, ang hindi nila nakikita ay nakikita sila. At ang mga nakikita nila ay hindi naman sila nakikita.

