KABANATA 16:

1306 Words

KABANATA 16: "ANONG GAGAWIN NATIN NGAYON?" Halata sa boses ni Leia ang pagkataranta. Maski ako naman ay nag-aalala ngunit sa ngayon, wala kaming magagawa. "Hindi pa sila tuluyang nakakalayo, pwede mo pa siyang bigyan ng proteksyon para makabalik siya sa katawan niya," sabat ni Mama. Si Mama, mas malakas ang pakiramdam niya sa mga ganitong sitwasyon kaysa sa akin. Mas may alam siya kaya sinunod ko ang payo ni Mama na bigyan ng proteksyon si Nomi. Naupo ako sa tabi ng katawan niya pagkatapos ay hinawakan ang kaniyang kamay. Ramdam ko ang tensyon sa likuran ko kung saan hindi mapakali si Leia. "Mag-relax ka lang muna, hindi siya mamamatay. Walang makukulong sa atin," pagpapakalma ko kay Leia. "Wala naman akong pakialam kung makulong man ako! Ang inaalala ko ay ang kalagayan ni Nomi. Di

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD