KABANATA 15: MATAPOS NG PANGGAGAMOT KO, kaagad kong pinapasok si Nomi sa loob ng bahay. Sinabi kong maghintay na muna siya dahil tatawagan ko pa si Leia. "Hindi ba ako nabibingi? Gusto mong gawin na natin mamayang gabi?" hindi makapaniwalang tanong ni Leia. "Oo nga, alin ba sa sinabi ko ang hindi malinaw?" Sinabi ko sa kaniyang gusto ko nang simulan ang pag-astral project mamayang gabi. Ang sabi ko sa kaniya, tatatagan ko na ang loob ko para gawin iyon at hindi na magkamali pa. "Baka mamaya hindi ka na naman magiging kumportable," aniya. "Isasama natin si Nomi r'yan. Kailangan mo siyang bantayan sa oras na makapasok na ako sa astral realm," sagot ko. "Ha? Paano?" "Pumunta ka rito at ipapaliwanag ko sa inyong dalawa ang magiging plano." Kagabi lang, habang nakahiga sa kama ko at na

