KABANATA 14: “HOW ARE YOU GOING TO DO THIS, kung hindi ka relaxed?! Naiinis na ako! Isang oras na tayong paulit-ulit! Nagawa mo na 'to noon, Ajax. I thought it will be easier now!” Napakamot ako sa ulo ko at saka bumangon sa sofa. Alam ko sa sarili kong hindi ako relaxed at hindi ko alam kung kaya ko bang magrelax sa ganitong sitwasyon. “Sa bahay na lang kaya namin?” suhestiyon ko. Pinanliitan niya ako ng mga mata. “Pero nandoon ang Mama mo, I think I won’t be comfortable when she’s around.” “At mas lalong hindi naman ako kumportable dito kasama. . . ka!” Tumayo na ako dahil hindi talaga ako kumportable. Uuwi na lang ako, sa susunod na lang siguro dahil kakaiba talaga ang pakiramdam ko. Hindi dahil may kung anong nilalang dito sa loob ng bahay ni Leia, kundi dahil. . . basta! “Ano?!

