KABANATA 13: HALATA ANG INIS NI LEIA habang hinahatak niya ako palayo sa maraming tao. Halata dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko na halos bumaon na ang mahahaba niyang kuko sa braso ko. Pagkatapos niya akong tawaging virgin, hahatakin na lang niya ako bigla! Sigurado na ako ngayon na totoong pumunta siya sa panaginip ko kaninang umaga. "Hoy! s**t! Easy lang naman! ˋyong braso ko!" reklamo ko kasi ramdam ko na talagang bumaon na ˋyong kuko niya. Pero hindi niya ako binitiwan, diretso niya pa rin akong hinatak hanggang sa makarating kami sa pinto kung saan may nakalagay na, "OFFICE" sa may itaas ng pinto. Pagkapasok namin do'n, at saka niya lang ako binitiwan. "Galit na galit, gustong manakit?" Halos matawa ako nang tanungin ko iyon sa kaniya. Hinawakan ko ang braso ko at n

