KABANATA 12: PAWIS NA PAWIS AKO NANG MAGISING AKO MULA SA KAKAIBANG panaginip na iyon. Napalingon kaagad ako sa paligid at hinanap ng mata ko si Leia. Totoo bang panaginip 'yon o baka naman totoo talaga 'yon?! At anong sabi niya? Virgin ako?! At paano niya naman nalaman 'yon? Hindi ko naman sinabi sa kaniya na virgin pa ako! At. . . totoo ba talagang nakakapag-travel siya sa mga panaginip? Oh s**t! Napahilamos ako sa aking mukha habang inis na inis na iniisip ang naging panaginip ko. Mayamaya pa'y napatalon ako sa kinauupuan ko nang mag-ring ang cellphone ko. Halos lumabas ang puso ko nang dahil sa sobrang kaba. Mabilis na inalis ko ang mga palad ko sa pagkakatakip sa aking mukha pagkatapos ay nilingon iyong cellphone kong nasa gilid ng unan ko. Marahang tumikhim ako't sumulyap kung

